• sixteen •

72K 1.4K 92
                                        

- last na 'to for today.  Magwo - work na ako hehehe 😊 quota naman na sa ud.  Pero malay 'nyo at may makalusot pa mamaya kapag hindi ako dinalaw ni Mr. Jose Cuervo. 😂

Enjoy reading ❤️😘

- H. Mendoza
—————-///////

Liv's POV

Nag - aalala ang mukha ni Xander ng dumating sa bahay namin.

"Are you okay?  Anong masakit sa 'yo?  Dadalhin kita sa ospital," parang natataranta pa si Xander ng makapasok sa bahay.

Kumunot ang noo ko sa kanya.  Ano ang pinagsasabi niya?  Wala naman akong sakit.  Umuwi na lang ako matapos kaming magharap ng demonyong Mr. Velasco na 'yun.

"Tumawag sa akin si Travis and he told me that you're not feeling well." Dinama pa ni Xander ang noo ko.

"Okay lang ako." Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo?  Sasabihin ko ba na ayoko ng bumalik doon.

"I was really worried.  Iniwan ko nga ang pasyente ko ng malaman kong sumama ang pakiramdam mo.  I told Travis bakit hindi ka niya dinala sa ospital.  I can take care of you there," sabi niya.

Diyos ko po.  Parang sobra na ito.  Sobra - sobra na 'tong ginagawa ni Xander para sa akin.  Parang hindi ko kayang sabihin sa kanya na may nakaraan kami ng kaibigan niya.

"Travis was also worried na hindi ka na makabalik.  He really wants you to work with his company." Umupo sa harap ko si Xander.  Talagang ina - assess niya kung okay lang talaga ako.

"P - paano nga kung hindi na ako bumalik?  Magagalit ka ba?" Alanganin kong sabi.

Kumunot ang noo niya.  "Why?  Are you worried about the coffee incident?" Natawa si Xander.  "Naikuwento nga niya na natapunan mo daw siya ng kape during the manager's meeting kanina.  Huwag mong intindihin iyon.  Kape lang 'yun.  'Nung college nga kami ihi ang isinaboy sa kanya 'nung chick na akala eh gusto niya."

"Ha?  Kadiri naman 'yun." Kung puwede nga lang asido ang ibuhos ko sa lalaking iyon.

"Pilyo 'yang si Travis pero mabait 'yon lalo na sa mga babae.  Sobra.  Siya ang pinaka - gentleman na lalaking nakilala ko.  Sa sobrang bait madalas nasasamantala na ng mga babae.  Ngayon na lang naging gago 'yan.  I've heard from some of our friends na brokenhearted kasi." Kinuha ni Xander ang kamay ko at dinama ang pulso ko.  "Regular naman ang breathing mo so as your pulse rate." Sabi pa niya. 

Gentleman?  Impakto kamo.  Gusto kong sabihin iyon.

"Liv, are you really going to resign?  I think nakapirma ka na ng kontrata.  And you are working in a good company now.  With good salary and good benefits.  Sayang naman kung basta mo na lang pakakawalan ang opportunity," kita ko ang panghihinayang sa mukha ni Xander.

Napalunok ako.  Hindi ko yata kayang sabihin kay Xander ang totoong dahilan ko kung bakit ayoko ng bumalik.  Pero nakakahiya talaga sa kanya.  'Yung effort niya para lang tulungan akong magkaroon ng trabaho para makapagsimula ako.

"Napakabilis ng one year.  Napakarami ng puwedeng mangyari doon.  Kung iniisip mo si Travis, don't mind that asshole."  Natatawang sabi niya.  "Sa dami ng iniintindi 'non makakalimutan na niya ang nangyari sa inyo ngayon."

Sana nga ganoon lang kadaling kalimutan ang nangyari sa amin.

Pareho kaming napatingin ni Xander ng dumating si Amy.

"Oh, bisita pala namin si dok." Nanunukso ang tono ni Amy habang inilalapag sa sofa ang mga dala niya.

Ngumiti si Xander sa kanya at kumaway.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now