• twenty six •

58.1K 1.3K 28
                                    

Travis' POV

"Still mad?"

Hindi ko pinansin si Megan na naupo sa harap ng mesa at dumukwang ng pagkain. Hindi ko na alam kung anong oras umuwi 'to at wala naman akong pakielam kahit nga hindi na siya umuwi. Gusto ko na nga siyang umalis. Nag - aaway na kami ng mommy ko.

"Hey, sweetheart. Huwag ka ng magalit sa akin," lumapit pa siya sa akin at nagpipilit kumandong pero tumayo na ako.

"I am thinking of moving out. If you want you to stay here then you can stay as long as you want. But we can't be together." Sabi ko sa kanya.

"What did I do wrong? Why are you so mean to me?" Siguro ay ramdam na ni Megan na hindi na ako nagbibiro.

"You've got to stop. What happened in New York stays there. You don't need to tell everyone what happened between us. I am being gentleman here, okay? But don't push me to say something that I will regret in the end."

Napahinga ng malalim si Megan at naupo sa harap ng mesa.

"I just thought we will be okay if I come here. I helped you forget Ellie for sometime. I helped you cope when you were hurting." Seryoso na ngayon si Megan.

"Megs, thank you for being my friend during those times but I am okay now. We cannot do things like that anymore. I am letting you stay here with me because my sister and my mom asked me. But if you won't stop then I'll move out."

Sinimangutan niya ako at dumampot siya ng tinapay.

"Fine. I just thought it was still the same. So it's still Ellie?" Napailing siya. "You're such a loser, Trav."

"No. I am over Ellie. There's someone and I think I love her." Sabi ko.

Inirapan niya ako.

"I don't believe it. I've seen the crazy things that you did for Ellie and you're just telling yourself na naka - move on ka na but you're not." Ngumiti na si Megan ngayon. "You know, madali sana akong gi-give up kung alam kong si Ellie ang kalaban ko dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal. But if there's someone, I think may advantage ako."

Napailing na lang ako. "You are a nut case." Sabi ko at inubos ko ang kape na naroon at iniwan ko na siya.

"I don't give up easily, Trav!" Malakas pang pahabol ni Megan.

Hindi ko na pinakinggan ang ibang sinasabi niya. Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at dumiretso ako sa office. Tumingin ako sa table ni Liv at wala pa siya doon pero naroon ang inorder kong breakfast para sa kanya. Kumunot ang noo ko at tumingin ako sa relo. Past eight na at wala pa siya? This is unusual. Laging maaga kung pumasok si Liv.

"Carmi, wala pa si Liv?" Patay - malisya kong tanong.

"Sir, wala pa nga eh. Usually naman 'yun maagang dumadating. Tini - text ko pero 'di naman siya sumasagot."

Hindi ako kumibo. Ayokong mag - isip si Carmi na masyado akong concern kay Liv. Iniiwasan ko din na maging tampulan kami ng chismis dito.

"Paki - prepare lang ang lahat ng documents 'nung mga Japanese investors last time tapos pakidala sa office." Sabi ko at pumasok na sa sarili kong silid.

Hindi ako mapakali. Ano ang nangyari kay Liv? I tried to dial her number pero cannot be reached. Patay ang telepono.

What happened to her? Okay naman siya ng ihatid ko siya kagabi. I made sure that she is okay. I dialled her number again but still the same. Cannot be reached.

Shit. Kinakabahan na ako. Baka may nangyaring hindi maganda sa kanya. Agad kong tinawagan si Jacob.

"Man, I am just about to hit my bed. Antok na antok na ako," sabi nito.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now