5: Bashers and Press-con

55 15 42
                                    

Chapter 5: The Rise Of The Hate

"Oh my God, is this for real?!", hindi makapaniwalang tanong ni Talulah sa akin.

Tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. She immediately head straight to my home when she heard this news. Si Fawn naman ay hindi pinayagang makaalis sa bahay nila dahil may kumakalat na balita ngayon about murder and other crimes, natatakot ang parents niya sa pwedeng mangyari sa anak nila once na lumabas ito.

Kaya naisipan na lamang niyang i-FaceTime kami ni Talulah.

"Seriously? You're going to tame my baby? Can we switch lives now? Like, right now because I really want to know everything about him, please?", Fawn begged. We can see how her eyes twinkle as she daydreams about that stupid boy.

Umirap ako. "Pwede ba, namomroblema na nga ako tapos kung anu-ano pa ang mga inuuna mo. Hello! It's me, Caitlyn? Your sweet, lovable and most caring best friend?", paalala ko sa kanya.

Both of them just laughed at me na ikinairita ko.

I am seriously on the verge of being mad here, how come they are acting this way? Are they really my best friends? I feel like I am being betrayed!

"Cait, of course you're my best friend but Heath is my future man. You should support me," biro niya.

"Ako muna ang dapat mong i-support dahil wala pang kasiguraduhan ang pagiging 'future wife of Heath Evans' mo," I mocked her na tinawanan niya lang.

"Tigilan mo na si Caitlyn, Fawn, we should help her out in making this task a success," sabat ni Talulah.

"Yan! Ganyan dapat. Very good ka diyan," wika ko.

"Fine, fine. What did the contract say ba?"

"Nagsalita ba ang papel?" biro ni Talulah.

"Whatever!", sabay irap niya.

"Pwede ba magseryoso na kayong dalawa? May isang araw na lang tayo para sa pagp-plano tapos kung anu-ano pa pinaguusapan niyo diyan."

Nakakairita, 'ba 'yan! Umiinit na nga ulo ko sa task na ito, kumukulo to the highest level na ang dugo ko sa bwiset na lalakeng 'yon tapos dadagdag pa sila? Tch!

"Chill," they both said.

Padabog akong tumayo sa aking pink beanbag saka naglakad patungong pink fluffy queen-sized bed ko bago tumihaya.

"Ano na po ang nakasulat sa kontratang binigay sayo ni Principal, Queen Caitlyn?", she playfully bowed as she said those words.

"Basta!", naiiritang sagot ko.

"Sus, nag-iinarte pa ang reyna namin," natatawang wika ni Fawn. "Kunin mo na nga 'yang papel Tal para naman masimulan na natin ang plano."

Talulah cleared her throat. "May I request the Royal Highness to hand me the Contract of Punishment?", pang aasar pa ng bruha.

Di na ako nagsalita at binigay na lang sa nakalahad niyang kamay ang isang pirasong papel na naglalaman ng kontrata. Baka matapos ang gabing ito na hindi pa namin nasisimulan ang meeting dahil sa kanila.

"Let's see," napahawak siya sa baba niya. Dumaan ang ilang minutong nakatingin lamang kami ni Fawn sa kanya habang seryosong binabasa ang kontrata, and I am in awe because of Talulah's looks.

Sobrang ganda niya, bagay na bagay sa kanya ang role na Lawyer if ever i-pursue niyang mag-aral ng Law. She'd be one of those beautiful lawyers here in our town, and I am sure that she'd be the most amazing lawyers of all lawyers in our country.

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now