7: Bother and Ponder Part 1

52 14 36
                                    

Chapter 7: The Start of the Chase

It's already Monday, hindi na ako pinapasok ng principal dahil sigurado raw siya na mahihirapan ako sa binigay nilang punishment sa akin. Sa school namin, may apat na gate. Main gate, back gate, right gate at left gate. 5am pa lang ngayon ay gising na gising na ako, hindi ako pwedeng magpahuli dahil siguradong hindi ako magtatagumpay sa plano ko.

At base sa chismis sa akin ni Fawn kahapon ay every Thursday, sa left gate sila dumadaan. Mas isolated daw ito kaysa sa right gate na kung saan, doon dumadaan ang mga estudyanteng gumagamit ng bike.

Ang main gate kasi ng school ay para sa mga estudyanteng may kotse, ang exit nila ay ang back gate. Samantalang ang mga bikers naman ay sa right gate, ang exit nila ay ang left gate which is completely isolated dahil bawal ng lumabas ang mga estuydante oras na makapasok na sa loob ng eskwelahan.

According sa contract, hindi fixed ang oras ng pag-alis nila. Minsan ay maaga silang umaalis pero kadalasan, hapon sila nakikitang tumatakas. Kaya nga inagahan ko ngayon para matapos ko na ang trap na ginagawa ko.

Naisipan ko kasing gumawa ng patibong. Itong klase ng patibong ay kapag nasagi ng paa nila ang tali na nakatago sa damo, may mahuhulog na cage gawa sa kahoy at makukulong sila. Oh diba ang talino ko?

Hindi naman sila mamamatay kung sakaling magtagumpay ang plano ko, may maliliit na butas naman kasi ang kahon para makapasok ang hangin. Pero siyempre kailangan ma-i-lock ko agad ito para naman hindi sila makaalis. Masasayang ang effort ko kapag nakatakas sila sa patibong ko.

Magtatago ako dito sa taas ng puno, though clueless ako kung ilan silang tatakas, pero ayos na iyon. Dapat maging successful ito dahil pinagpuyatan ko ang plano ko, hindi dapat ito masayang.

Tiningnan ko ang aking wristwatch. Quarter to 6 pa lang, mukhang mahaba-habang paghihintay ang gagawin ko para lang mahuli sila. For now, matutulog na muna ako. Kulang na kulang ang 4hrs of sleep ko. All of this just because I want this punishment to end as soon as possible!

*.*.*

Nagising ako dahil sa isang malakas na kalabog. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nagtaka ako dahil madilim ang paligid. Teka, sobrang haba ba ng tulog ko para abutan ako ng gabi?

Nang mapatingin ako sa mga butas sa itaas ay agad akong napatayo. Sumilip ako roon at saka ko lamang napagtantong, nasa loob ako ng sarili kong patibong! At ang walanghiyang Heath, kasama ang mga kaibigan at alipores niya, ngingisi-ngisi pa habang ipinapakita sa akin ang susi!

"What the hell are you doing?!", sigaw ko habang kinakalampag ang kahoy.

"How 'bout you? Why the heck were you snoring while waiting for us to arrive?", puno ng pang-aasar ang tono niya na mas lalo kong ikinairita.

"You stupid jerk! Get me out of here, right now!"

"No can do, you wanted that to happen. Go figure."

Napanganga ako nung talikuran nila akong lahat. Anong klase sila?! Balak ba talaga nila akong iwan dito sa loob?! How dare they!

Pero as if naman hindi ako masama para gawin ito sa kanila?

Kasalanan ko bang desperada na akong mahuli sila?

Wait, 'yong camera! Nilagay ko iyon sa itaas ng puno at naka-live iyon. Konektado kasi ang camera sa monitor ng principal sa opisina, for sure ay makikita niya ang nangyayare ngayon. However, with that old man so outdated about technology? I doubt if he's watching right now.

Teka, may cellphone ako! Kailangan kong tawagan si Talulah, siya lang ang pinakamalapit sa pwesto namin. Hindi kasi kami magkaklase na tatlo, at nagpapasalamat ako dahil ganito ang sitwasyon namin ngayon!

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Kde žijí příběhy. Začni objevovat