10: Board and Press-con

31 7 11
                                    

Chapter 10: The Announcement of Possible Valedictorians

"Saan niyo balak mag-lunch?", tanong ni Fawn.

"I'm planning to go to Dior's Restaurant," sagot ko.

"Libre mo?"

Sinimangutan ko ang nagbibirong si Talulah.

"KKB."

"Ha?", si Fawn.

Right. Nakalimutan kong sosyal nga pala ang kaibigan namin.

Nilingon ko siya. "KKB means Kanya-Kanyang Bayad,"

"Aah.." tumango-tango siya.

Naglalakad kami ngayon patungong parking lot. Wala ako sa mood ngayon sundan si Heath, at mukhang wala rin sa mood ang mga kasamahan niya dahil nang mapadaan kami sa cafeteria ay dinig na dinig ko ang malalakas na halakhakan nila kahit pa nakapwesto sila sa bandang dulo.

Panay naman ang sulyap ng mga kababaihan sa kanya, maging si Fawn ay tila natulala sa nakikita. Napatigil kami nang tumigil siya paglalakad. Gusto ko mang hilahin siya palayo sa lugar na ito ngunit alam kong makakasama iyon sa friendship naming dalawa.

Oras na istorbohin ko siya sa panonood kay Heath na ngayon ay kumakain, akala mo'y nagsh-shoot ng commercial, sigurado akong hindi niya ako papansinin ng dalawang linggo.

Yup. I've memorized her actions when I accidentally made the same mistakes. Yeah, I had that mistake 3 times.

However, the third time I did that, she didn't talked to me and completely ignored me for like, 3 months. And I don't know if that's normal for girls who have girl friends since Talulah said that it was fine, that I should just understand Fawn because that's how she is. Also, I couldn't confirm her behavior if it's really just normal for girls to not talk to each other that long because I've never had any girl friends before. So I had a hard time persuading Fawn to notice me again.

Ugh. Kapag naaalala ko ang mga bagay na ginawa ko para mapawi lang ang galit niya sa akin ay doble-doble ang pandidiring nararamdaman ko sa aking katawan. Imagine, hindi ko naman siya jowa, hindi naman siya boyfriend ko tapos sinusuyo ko siya ng ganon?

Seriously? Kadiri!

"Oh wow, Heath is so hot while chewing that steak."

"Look! He's licking his lips!"

"Damn that juice from the steak, so lucky to stream down from his lips."

"I wish I was that steak he's eating."

"You mean be a Cattle," bulong ko.

Ngunit hindi ata iyon nakaligtas sa kanilang pandinig dahil bigla nila akong nilingon. Nang mapagtanto ng mga babaeng nakaupo malapit sa kinatatayuan namin ay sinamaan nila ako ng tingin.

"Look, it's the girl who flunked her academics," mataray na wika ng babaeng may pink ribbon sa ulo.

"Right. Caitlyn Montero, the girl who wasn't able to uphold her Valedictorian Title," dagdag ng katabi niya.

"Poor her," komento ng babaeng naglagay ng lip gloss habang matalim na nakatingin sa akin.

Para akong binuhusan ng isang napakalamig na tubig. Nanigas ang katawan ko sa narinig. Gusto kong puntahan sila at sabunutan dahil sa sinabi nila. Gusto kong pumunta sa mga bruhang ito para kumpirmahin ang lahat ngunit tila'y napako ang aking mga paa sa sahig. Hindi ko ito maigalaw.

Teka, anong araw na ba ngayon? Wala naman akong natanggap na mensahe galing sa principal. Ngunit, paano nila nalaman ang bagay na iyon? Simula na ba ng pag-aanunsyo?

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now