15: Visitation Pass

24 5 0
                                    

Chapter 15: Concerned Best friends / Away from School

Nandito ako ngayon sa kama ko. Nakahiga habang nababalot ng kumot ang buong katawan as I blankly stare at the sky through the window. Bakit ang ganda ng panahon samantalang tila apocalyptic ang pakiramdam ko? 'Yong totoo, inaasar ba ako nito?

Nabaling ang paningin ko sa cellphone kong panay ang galaw sa bedside table ko. I put it on silent mode, the reason why it kept on buzzing whenever someone attempts to call me. Hinayaan ko lang iyon at tuluyang inangat ang kumot hanggang sa ulo ko.

I am so doomed. For sure, by Monday, I would eventually receive a lot of baking powder and would be bathed and soaked in crushed eggs. The same with what happened to Sharpay 2 years ago. And it's because of that damn article!

I am bring proclaimed as a two-timing bitch! Literally, everyone is falling for that stupid story the way Eagle Press-Con want it to. Hindi halatang umalis nga si Vaughn Carter sa EPCC, sobrang hindi halata!

Sarcasm laced every bit of my mind. I didn't bother retraining myself from murdering him inside my head, which he clearly deserves to receive from me and not a kind prayer. I know I should be kind to the one's mistreats you, and God already stated that there's nothing wrong or harmful in being too eager to do good. Also, He even said that we should pray for those who mistreat us, but why is it so hard to do that?

Bakit ang hirap mahalin at magpakabait sa taong may kasalanan sa atin? I feel really guilty for not following God's command, for disobeying Him because He only wants what's good for us. For our health, mentally, physically and spiritually. Pero hindi ko magawa! Sobrang hirap, at dahil ito kay Heath!

I groaned really loud before uncovering myself and got up from the bed. Tumalon ako pababa ng kama at dali-daling lumabas ng kwarto. Ang plano kong matulog ay napurnada dahil sa init ng ulo ko sa lalakeng iyon. Kahit saan, hindi pinapatahimik ng balasubas na 'yon ang sistema ko!

Bumaba ako sa first floor, leaving my phone inside my room, at dumiretso sa kitchen. Iinom na lang ako ng gatas, I'm sure it will calm me and make me sleep. Tama. Iinom ako ng gatas.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang medium sized na garapon ng gatas bago ito binuksan bago sinalinan ang basong kinuha ko galing sa cupboard. Dumaan ang segundo ay nakatitig lang ako sa garapon at sa baso.

"I effin' forgot to preheat this, stupid," bulong ko bago napagpasiyahang ilagay ito sa microwave before setting the time to 30 seconds.

Sayang naman nitong nasa baso. Hindi ko rin naman ugaling itapon ang mga pagkain o inumin, kaya ininom ko na lang ito habang naghihintay sa pagtapos ng timer. I was busy watching the carton of milk spin slowly as beads of water starts to form around it. Paubos na ang iniinom ko ay bigla-bigla akong napatitig sa disenyo nito.

The background is white as small imprinted images are all over the carton. Masyado itong maliit kaya hindi ko matukoy kung ano ito. It's like a carton with yellow polka dots design. Cute, but not really interesting.

Saktong pagkaubos ko ng gatas ay natapos na ang timer. Binuksan ko ang microwave para kunin ang garapon. Dito na lang ako iinom, kaunti na lang ito. It wouldn't hurt my manners just because I decided to not use a drinking glassware. Besides, no one is even going to know about it. It's not as if I'll tell everyone, that's so 3rd grade.

Nang simulan ko ang paglagok sa garapon ay saka lamang naging malinaw sa aking mga mata na ang dilaw na parang tuldok sa garapon ay guhit ng saging. Kumunot ang noo ko. Something familiar about it made me stop gulping, and I know it, it's at the end of my mouth but I couldn't seem to find the right word.

Nabilaukan ako dahil sa sigaw ni Emma, dahilan para dumulas sa aking isipan ang memoryang kaninang umaga ko pa gustong kalimutan.

"What the hell, Cait? We've been calling you for a million times now. Wala ka bang kamay para sagutin ang phone mo?", may bahid ng sarkasmo ang boses niya.

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now