11: Breathe and Prosper

23 6 0
                                    

Chapter 11: Give up? Never

"Bakit kailangan natin umuwi? Ilang minuto na lang at mal-late na tayo sa klase," panimula ko.

"Classes are canceled again," Fawn announced.

"What?", gulat kong tanong.

"Ba't ganyan reaksyon mo? Hindi ka pa ba sanay? Whenever Sharpay Addison declares Exclusive Interviews, classes are always canceled. Don't you remember?", si Talulah.

"Pero bakit? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin iyon samantalang education is important!"

Fawn sighed. "Lahat naman ng guro alam iyon, pero anong magagawa nila kung estudyante na mismo ang nagd-declare na tapos na ang klase by going outside and leaving school just so they could go home and watch ENC?"

"Or go to the cafeteria and watch the live news since others have strict parents, they could get scolded once they reason that out," dagdag ni Talulah.

"What's so intriguing about this interview ba? It's not like magkakaroon sila ng mataas na grades kapag tinutukan nila ako," wika ko.

Nang lingunin ko si Fawn for an answer, she was busy texting someone. May pangisi-ngisi pa ito habang tumitipa sa gadget.

"I'll just get us some tea at the store, be back in a bit," rason niya bago kunin ang shoulder bag matapos tumayo.

With that, she left my house.

"Another fling of hers again?", nanatili pa rin ang tingin ko sa pintuan ng kwarto.

"Yeah," Talulah answered.

Binalingan ko siya. "Bakit ba kailangan nating umuwi?"

"Because," tumayo siya sa pink beanbag ko at tumabi sa akin. "We cannot talk super confidential stuff inside the school."

"At bakit?"

"Diba curious ka kung ano ang nangyare sa dalawang estudyante ng LU?"

Kumunot ang noo ko. "You mean Mary and her brother?"

"Yes. The two were suddenly expelled for unknown reason."

"Ano?"

Tumango-tango siya.

"Kung naaalala mo ang sagot ni Mary, your fan girl, tungkol sa baho ng Eagle Press-Con when she was asked by the reporter, that's the answer."

Natahimik ako. I know the reason why, hindi man sinabi ng Liberty University pero 'di nila maaalis sa isipan ng iba na tinanggal nila si Mary at ang kanyang kapatid dahil lamang sa siniwalat ng dalaga ang baho ng LU. Binigyan ng school sina Mary ng second chance para itama ang pagkakamali nila by attacking me with that ridiculous question ngunit bigo sila, dahilan para tuluyan silang matanggal sa eskwelahan.

"Bakit mo sinasabi ito ngayon?", tanong ko.

"Dahil hindi malabong mangyare iyon sayo."

Naitikom ko ang aking bibig. Talulah caressed both of my hands.

"Cait, kailangan mong mag-ingat. Ang pagaanunsyo ng listang iyon, halata na namin ni Fawn na nanganganib ang posisyon mo bilang Student Council President sa College Department. Hindi ba't tumigil ka sa pagsunod kay Heath?", tumango ako. "Pwes, kailangan mong ipagpatuloy iyon. Kaibigan kita Cait, kahit ayaw mo ng sundin ang nakasaad sa kontrata dahil sa ginawa nila kanina, kailangan kitang hilahin patayo at itulak sa mga pangarap mo para hindi ka mawala sa amin. Kaibigan ka namin Cait, at ayaw kong iwan mo kami ni Fawn."

Nangilid ang luha ni Talulah. Ngumuso ako para itago ang ngising gustong kumawala, mukhang napansin niya iyon dahil bigla niyang pinalo ang braso ko.

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now