38: Bother and Ponder Part 4

4 2 0
                                    

Chapter 38: I Need To Know Why

That night, they shouldn't have drove with us as Mommy and I went home. Hindi naman natagalan sa pag-tsismisan sina Mommy at Mrs. Evans dahil nasabi niya sa akin na she was 30 minutes early when Heath and I arrived at the manor. Malamang, they've had plenty of time to catchup with whatever they've left off.

Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa kaming ihatid nina Heath patungong bahay. I was in Mommy's car, and him and his friends were just tailing on behind us. Kaya lalo lang ako nairita nung gabing 'yon dahil panay ang kantyaw ng Mommy sa akin yesterday night.

"Mukhang may gusto sayo ang isa sa kanila, huh?", nakangiti niyang asar sakin.

"Stop it, Mommy. Pagod ako ngayon, I want a peaceful and quiet night.."

"Ang demanding mo naman, hindi ka naman ganyan dati, ha?"

Napairap ako.

"Back then, I was just a kid. Of course, kaya mo akong kontrolin at pagsabihan noong bata pa ako. But I am a big girl now, and children slowly mature as they age."

"Oo na, oo na. Ikaw na ang matured kung mag-isip, hmp!"

Sumandal na lang ako sa pintuan ng kotse. Even if I don't want to see any one of them following us, I couldn't help but wonder why the boys are doing this.

"Na-mimiss ko lang naman noong bata ka pa eh, dapat hindi ka na lang lumaki," madramang bulong ni Mommy.

"How am I supposed to take care of you if I won't grow old the way humans do?", I said not tearing off my attention to the boys who kept on changing positions.

Ano ba ang ginagawa nila? Do they want to race or something? Bakit hindi na lang nila gawin? Wala naman gaanong kotse ngayon dahil gabi na. But I wouldn't suggest them racing, baka makabunggo pa sila ng pusa o aso. Kawawa naman.

"Aww, ang sweet naman ng anak ko! Buti at hindi pa 'yan nawawala," she giggled.

"Mawawala ito kapag hindi ka pa po tumigil kaka-reminisce diyan. Mommy, please be quiet. Ang sakit na ng ulo ko," reklamo ko.

"Alright, alright. Kunin mo yung gamot diyan sa compartment, inumin mo para mawala ang migraine mo."

Inirapan ko na lang sina Heath na hindi pa rin natatapos sa papalit-palit na posisyon ng kani-kanilang mga sasakyan at sinunod si Mommy. Kinuha ko nga ang gamot, pati na rin ang bote ng tubig at ininom ito. Binalik ko sa lalagyanan ang mga kinuha ko at sumandal bago pinikit ang mga mata.

Slowly, the aching of my head stopped from throbbing. Hindi na rin nun nagsalita pa si Mommy at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho hanggang sa ma-park niya ang sasakyan sa tapat ng bahay. And when I got out of the car, binusinahan kami nina Heath habang si Mommy ay kinawayan lang sila.

I didn't bother watching them drive past our house, I am still in wonder of why they need to do that. Hanggang sa nakatulugan ko na rin ang pag-iisip sa kanila. Even when I woke up this morning, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga ginagawa nila ngayon.

"Are you done packing?", si Mommy na kalalabas lang sa common bathroom dito sa ground floor ng bahay.

She was wiping her hands with a tissue paper. Pinagpatuloy ko ang pagkain ng cereal at iniwas ang tingin. May namumuong plano at espekulasyon sa isip ko, and I don't want her to find out anything.

"Almost.."

"Okay, I'll be out again-"

"Again? Why? Akala ko ba ay naka-vacation leave ka?", natapos ko na ang cereal at agad nilagay iyon sa lababo.

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now