6: Braise and Pace

46 15 52
                                    

Chapter 6: Fry and sly

"Ms. Caitlyn over here!"

Binalingan ko ang isang reporter sa GBC at nginitian ito. Mukhang hindi pa rin nawawala ang aking charm, dahil katulad ng dati ay pinamulahan ang lalakeng ito. I never realised nor had the knowledge that my beauty wouldn't be taken away just because I have less fans now.

"U-uhm-"

"Wag ka na magsalita kung mauutal ka lang! Sinasayang mo oras namin eh!", galit na sigaw ng babaeng katabi niya bago tumingin sa akin. "Ms. Montero, is it true that you've been doing drugs for the past two years?", seryoso niyang tanong.

Gustong-gusto ko na talaga silang pagsasasapakin lahat dahil sa mga ganitong klaseng tanong nila. Hitsurang drug user ba ako? Eh kung ipasak ko kaya isang kilo ng drugs sa bibig nila! Tss!

"Where's your proof with that statement?", I asked.

Hindi ko pwedeng ipahalatang naiinis ako lalo pa't naisipan ni Vaughn na mag-live ang kanilang channel. Sigurado akong tumaas na naman ang ratings nila, ngayon lamang kasi nangyari ito for the past years. First time lang ng Eagle Press-Con na mag-live, at ako pa talaga ang napili nilang candidate for this kind of upgrade.

"Next question," sinipat ko ng tingin ang mga reporters. Panay ang sigaw nila para makuha ko ang kanilang atensyon. Seriously, hindi ba sila nag-background check tungkol sa akin?

One thing I hate the most is being too loud. Nasisira nito ang mood ko.

Bigla akong natigilan nang makita ko ang isang reporter na tahimik lamang at mukhang wala atang balak na makipag-sabayan sa mga kasamahan niya. Nang magtama ang mga mata namin ay saka ko lamang napagtanto ang lahat.

This is every broadcasting companies' tactics!

Nagkaroon nga sila ng background check tungkol sa akin at alam nilang madali akong mairita sa mga taong may pag-uugaling ganito, at plano nilang sirain talaga ang mood ko para mas lalong mainit ang balita tungkol sa akin oras na makuhanan nila ng video ang pagiging maldita ko!

Pero bakit? Nangyayari lamang ang ganito kapag may gustong takpan ang ibang mediums.

Tama. Isa itong tactic upang matakpan ang isang bagay na pwedeng magpagimbal sa buong mundo, pero ano?

Napatingin ako kay Vaughn na tahimik lamang na nanonood sa amin. Pansin kong panay ang sulyap niya sa babaeng tahimik lamang, kanina pa niya ginagawa iyon. May mga times pa nga na nagsasalubong ang kilay niya, at hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagtawag niya sa isa sa mga staff ng Eagle Press-Con para utusan ito.

Nabaling ang atensyon ko sa Logo ng school na naka-engraved sa uniform niya. Parang may kung anong nag-click sa aking isipan at napunta ako sa araw kung kailan binahagi ni mommy sa akin ang experiences niya habang naka-House Arrest.

"Maganda ang House Arrest, hindi mo kailangang magmukmok sa iisang kwarto at magsulat ng 'I won't do it again' sa dalawang pirasong papel, back to back pa! Sa House Arrest kasi malaya mong magagawa lahat ng gusto mo. 'Yon nga lang ay may iuuwi kang activities na naka-printout pero bibigyan ka naman ng 3 days para matapos mo 'yon. Oh diba, mas maganda ang rule na 'yon ng Liberty University? Isa pa. . ."

Ang ingay naman ni mommy, kita ng nanonood ako ng balita eh. Paulit-ulit na lang mga kwento niya, wala na bang bago? Argh!

"Good evening, from Studio 1 Newsroom at Eagle Press-Con Headquarters, good to always being with you, I am Chloris Rivera, reporting for Eagle viewers. Students, teachers, as well as people around the world are questioning the school's purpose in advertising the channel for the reason that, if students inside Liberty University had been doing illegal matters, why is the school not taking action? With this, people had been tweeting, and I quote, "#TellUsTheTruth" and it became the most tweeted hashtag today. And for that, here is Daniela Marasigan reporting from Liberty University to get the side of the Principal. Daniela,"

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now