8: Brotherhood and Pride

50 10 44
                                    

Chapter 8: Presentation of the Boys

Brad

Nabaling ang aming atensyon sa pagdadabog ni Heath sa pintuan. May bahid ng iritasyon ang kanyang mukha nang sumalampak siya sa blue beanbag dito sa kwarto naming apat.

Dante is busy fiddling with something in his laptop. Katabi niya si Titus na abala sa pagbabasa ng libro. I was busy texting some girl, asking her to send me some pics. Ngunit, nang dahil sa ingay na ginawa ng aming kaibigan ay nalipat ang atensyon namin sa kanya.

"Dude, seriously?", I asked as I gestured my phone to him.

"Don't start with me Brad Adler, wala ako sa mood."

I just showed him both of my hands, a sign of surrender. Mahirap kausap ang inis na Heath. Oras na gatungan namin ito ay siguradong delubyo ang aabutin ng kwarto.

"What happened?"

"It's that stupid girl," sinipa niya ang bola. Muntik na itong tumama sa mukha ni Titus pero mabuti na lang at nasalo niya agad.

"What girl," curious kong tanong.

Kita ko ang pag-iling ni Dante. "Kapag talaga babae ang usapan, ang bilis ng tenga mo."

"Says the guy who happens to be like me," nginisihan ko siya.

Tawa lang ang isinukli niya sa akin.

"Can't you see I'm talking here?", reklamo ni Heath.

Oops, nagde-demand na ang hari. Kailangan pagtuonan ng atensyon.

"Ano ba kasi ang nangyare?", tanong ni Dante. Si Titus naman ay bumalik na lang sa pagbabasa.

This dude is reading all right, but he's all ears while his eyes are busy scanning the book, and his mind storing information about the book.

"Laging purnada ang pag-alis namin ng eskwelahan," paliwanag ni Heath.

Saka lamang parang may nag-click sa aking utak.

"Oh, you mean that girl who purposely trapped herself inside that wooden cage?", tukoy ko sa insidenteng nangyare noong nakaraan na linggo.

Mabilis na pumihit ang ulo ni Dante sa amin. Dahan-dahang binaba ni Titus ang librong hawak at piniling ibigay ang buong atensyon sa pinaguusapan namin.

"Someone caught the two of you?", hindi makapaniwalang tanong ni Dante. "Dude! That's history!", humahalakhak na nakipag-apir siya kay Titus.

"I can't believe someone managed to stop the two of you from walking outside the campus," komento niya.

"Sinuwerte lang siya. Iyon 'yon," iritadong binato niya ng unan ang hindi tumitigil sa pagtawa na si Dante.

"Come to think of it, ngayon ko lang napansin na hindi na sumasama sayo si Brad sa mga lakad mo. What's the reason?", tanong ni Titus.

Napangisi ako. "It's that girl's doing. Simula nang magtagumpay siyang ipatawag ang mga magulang namin ay hindi na ako nakasama sa abnoy na 'yan," sabay turo kay Heath.

Saka lamang natigil sa pagtawa ang bruho. "Wait, tita Heather was here?", 'di makapaniwala niyang tanong.

"Yup," I answered. "My mom even scolded tita Heather dahil akala ni mommy ay iniimpluwensiyahan ako ng anak niya, but she doesn't know that I was the one who's demonizing Heath," natatawa kong amin. "Muntik pa ngang mag-away si tita Heather at ang mommy."

Napanganga ang dalawa sa narinig. Sino ba naman ang hindi? Kilalang mag-best friends ang mommy ko at ni Heath, kaya nakakagulat at nakakamangha ang impormasyong ito sa kung sino man ang makakarinig at makakaalam.

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now