9: Break and Pep-talk

34 8 5
                                    

Chapter 9: Cheerleaders and "Cheerhaters"

"Alright everyone, listen up!", pumalakpak pa si Coach Grace, ang Cheer Coach namin, para makuha ang atensyon ng iba.

Panay bulungan, tawanan at hagikhikan ang mga kasamahan namin habang nags-stretching.

"I really can't understand why there are so many people here in the soccer field," iritadong bulong ni Fawn bago pumunta sa gilid ko.

Hindi na lang ako sumagot and just patted her back. Mas magandang hindi na niya malaman pa dahil sigurado akong lulusubin niya ang mga estudyanteng nasa bleachers oras na sabihin ko sa kanya ang rason.

Talulah is at the back, and I'm sure she's well aware with our situation right now.

Kahit nga ang mga spy ng Eagle Press-Con ay nandidito, pinipilit lamang nila itago ang kanilang identity sa pamamagitan ng pagsuot ng cap at hoodie in broad daylight, which is ridiculously absurd.

Kita ko sa gilid ng aking mata ang mabagal ngunit may pagiingat na galaw 'di kalayuan sa amin.

At napili pa talaga nilang "magtago" sa ilalim ng bleachers samantalang pwede naman sila makihalubilo sa mga estudyante sa taas para hindi sila mahalata. I scoffed. Tingnan lang natin kung hindi sila mahimatay dahil sa sobrang init.

The Soccer field is not really an open field, it's very far from the reality that I am seeing right now.

This is a Stadium, pero dahil kadalasan ginagamit ito kapag nakikipaglaro ang eskwelahan sa iba't ibang kakompetensiya, dito napipili ng SportsFest ganapin ang mga palarong hino-host ng organisation nila. Specifically, Soccer.

Bukod kasi sa malawak ang Stadium, malaki-laking pera ang makukuha, both the school and the administration, dahil dinadayo pa ng mga taong nakatira sa malalayong lugar ang event na 'to.

Thanks to the Evans family.

"Pwede sa akin na ang tingin? Mamaya na ang mga harot girls, mas may importante tayong kailangang pagusapan bukod sa mga lalake ninyo, okay?"

Natahimik silang lahat, hindi dahil sa sinabi ni teacher Grace, kundi dahil sa seryosong ekspresyon nito. Delikado kapag nagalit ang guro sa amin, mahihirapan kaming mag-organize ng sarili naming steps and cheer kapag nagkataon.

Katulad na lang noon, nang hindi tumigil si Heather sa pagtawa habang may kausap sa phone kahit pa ilang beses na namin itong tinatawag ay 'di nag-atubiling nag-walkout ang teacher namin.

Natanggal din siya sa grupo kaya todo asikaso kami sa paghahanap ng pwedeng ipalit sa kanya. Mabuti na lang at hindi kami nahirapan dahil sobrang talented ng nakuha namin. 'Yon nga lang ay nahirapan naman kami sa paggawa ng steps for our cheer, dahil ang akala namin na tatlong araw lang na hindi pagsipot sa amin ni teacher Grace ay umabot ng isang linggo.

Doon namin napagtanto na binibigyan dapat ng respeto ang taong walang ibang hinahangad kundi ang mapabuti kayo, dahil kung ano ang pagpapakilala sa akin ni teacher Grace nang palitan niya ang dati namin Cheer teacher ay 'yon pala talaga ang paguugali niya.

Kaya nga lagi kaming nag-iingay oras na siya ang kaharap dahil lahat kami ay ayaw ng maulit ang nakaraan.

"So! Alam niyo naman siguro ang magaganap na Soccer Competition dito sa school, diba?"

"Yes!", sigaw ng lahat.

"Yes what!"

"Yes, yes!", we clapped. "Yes we hear! Yes, yes! Yes we cheer! Go Eagles!"

"Good! This upcoming competition between the Liberty Eagle and the Willow Stallions is the most awaited battle of all, and you girls know the reason, right?"

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now