17: Breakthroughs and Planning

10 3 0
                                    

Chapter 17: I'm back for vengeance

"Dammit!"

"Language Cait."

"Don't start with me Talulah," galit na baling ko sa kanya.

"Be quiet you two, my informant says they're on their way here. We need to practice again," natatarantang saway ni Fawn.

Nandito kami ngayon sa dorm para sana mag-aral ngunit biglang dumating si Fawn kanina informing us the most bizarre and interesting news.

"Akala ko ba magkaaway tayo?", tanong ko.

Napuno ng konsensya ang mga mata niya.

"Sorry naman Cait, promise I'll explain everything to you later. Pero bago muna 'yan ay kailangan mong kumalma at pansamantalang maging kaaway ko ulit."

Kumunot ang noo ko. Bago pa man ako makapagsalita ay hinila na niya ako sa dapat na puwesto ko malapit sa isang monitor na nakapatong sa mesa niya. Because of how confused I am right now nakalimutan ko na kung ano ang dahilan kung bakit ako napamura kanina.

"Tapos niyo na ba 'yong sa Math?", basag ni Fawn sa panandaliang katahimikan.

"Tapos na ako. How about you Cait?", tanong ni Talulah.

Bumuntong hininga ako. "Hindi pa. Next week pa naman ang deadline ng pagpasa para sa lahat ng subjects, mamaya ko na gagawin 'yong sa Math."

"Pakopya ako Tal, hindi ko kasi maintindihan eh," ngumiti siya ng matamis, using that childish trick again to see if our friend would let her.

Naningkit ang mga mata ni Talulah nang hablutin ni Fawn ang module na nakalatag sa higaan niya.

"Oh ayan, pati English kopyahin mo na. Lahat na ng modules ko gayahin mo na rin," dinampot ni Talulah lahat ng papel niya bago nilagay sa higaan ni Fawn.

My friend pouted. "Ang sungit mo naman, 'pag si Caitlyn nga okay na okay sayong kopyahin niya lahat ng assignments mo tapos pag ako ayaw mo na?"

"Eh kasi si Caitlyn minsan lang 'yan mangopya, ikaw palagi. Kulang na lang ipagsigawan mo sa loob ng room na ikaw mismo gumawa niyan, ako pa tuloy nasasabihan na manggagaya," humalikipkip si Talulah sa higaan niya.

"Hmp! Last na 'to!", sabay irap niya.

Kung anu-ano pa ang binubulong ni Fawn na hindi na namin narinig dahil sa pagtunog ng bell.

"It's time to sleep," anunsyo ni Talulah.

Umiling ako. "That's the bell for dinner, halatang inaantok ka na."

"It sucks staying in school, hindi mo nagagawa lahat ng gusto mo," reklamo niya.

"Wala tayong magagawa. It's the Principal's orders. We are required to stay in school for the rest of the year habang wala ang mga teachers natin," paliwanag ko.

"Andiyan naman ang substitute teachers natin ah?", singit ni Fawn na abala sa pangongopya.

"Walang tiwala ang school na magagawa natin lahat ng modules na ibibigay sa atin," sagot ko.

"And other projects," dagdag ni Tal.

Napatango si Fawn, still her eyes are fixed on her notebook and Talulah's modules.

"Is that the reason why we're going to sleep here?"

"Yup," sagot namin ni Tal.

"Pero at least mababawasan ang haters mo," wika ni Fawn.

"That would never happen," tumayo ako para kumuha ng maiinom.

Tinungo ko ang baso at pitsel na nakapatong sa bedside table ni Fawn. Sinalinan ko ng orange juice ang baso habang nakatitig sa monitor.

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon