32: The Trouble with the Break

9 3 0
                                    

Chapter 32: Christmas Season Slash Semestral Break; #VacationIsOn!

"So they decided to held the Homecoming party in the middle of September para mawala ang focus natin sa intramurals?", gulantang na wika ni Talulah. "How cruel!"

"Wala tayong magagawa, hindi pa nakakauwi ang mga teachers from that stupid International Teachers' Conference. Sino ang mags-supervise sa atin kung ipagpapatuloy ang intramurals?", katwiran ko.

"Edi 'yong mga substitute teacher natin," nginuya ni Fawn ang sinubong chocolate cake at nilapag sa platito ang maliit na tinidor.

Nandito kami ngayon sa Starbucks. As usual, kakaunti lang ang nandidito. Kakaunti sila pero feeling ko anumang oras ay dadami ang bilang nila. Panay ang bigay ng sama ng tingin sa akin ng grupo ng mga babae sa dulong bahagi ng shop. I feel like pinatago nila ang mga kasamahan nila somewhere nearby para sa surprise attack na hinanda nila.

"Cait? Ate you okay?"

Napalingon ako kay Talulah na ngayon ay kunot noong nakatitig sa akin. Saglit akong pumikit bago umiling. What am I even thinking? I am being too paranoid.

"Yeah," tumango ako. "I'm fine."

"Are you sure?", nahalat siguro ni Fawn ang seryosong mukha ni Talulah.

"Yeah.."

"Look, if this is about the fandom plotting against you, I promise you they will not attack. They will not behave like what they did just last year," Fawn assured me.

I should believe her right? Kasi siya ang namumuno sa tatlong fandom. Sa aming tatlo, siya ang may mas alam. And she's my friend, her words are true. And in truth I shall believe her, because I trust her and Talulah more than anyone else.

"You sure?", ako.

"Yeah."

Naramdaman ko ang kamay ni Talulah sa aking balikat.

"What's happening to you, Cait? Is something bothering you? Kasi sa pagkakatanda ko, you will never be fazed by those mere fandoms. Ikaw pa nga ang tumatapos sa kanila kapag pumapalpak ang plano nila," worry is evident in her voice.

Alam ko kung ano ang sinasabi niya at tama siya. Whenever Sem-break comes, those three fandoms would always surprise-attack me kapag pinipili kong tumambay dito sa Starbucks. Ang kaibahan nga lang ng sitwasyon ngayon ay kasama ko ang mga kaibigan ko. Noon, umaatake sila kapag mag-isa ako. Pero dahil kasama ko si Fawn, maybe they withdrew because my friend is doing her role as their "spy".

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Fawn. Gumalaw ito at may inabot sa bulsa ng maleta niya bago humarap sa amin. Kinabahan ako nang sumeryoso ang tingin niya sa akin, para bang alam niya kung ano ang bumabagabag sa loob ko.

"Ito ba ang dahilan?", sabay pakita niya ng isang itim na papel na may gold na rose na nakaimprinta sa gitna.

Namilog ang mga mata ko. Dali-dali kong hinablot iyon sa kanya and crumpled it before Talulah could even snatch it away from me. Kinakabahan akong umiwas ng tingin sa kanila bago itinago sa bulsa ng pantalon ko ang kuyom na papel.

"What is it? Is that something a Queen of Liberty University should be worried about?", puno ng inis ang boses ni Talulah habang matalim ang mga tingin sa akin.

Hindi ako nakapagsalita because she sounded as if I am too dumb to be a Queen and a coward to be worried or... scared of something I should be. I was too shock to even retort back.

"Talulah, stop it. Hindi ito simpleng bagay lang," si Fawn.

"Kung hindi 'yan simpleng bagay bakit hindi niyo sinabi sa akin? Bakit wala akong alam tungkol diyan?", may bahid ng galit ang mukha niya.

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now