19: Bother and Ponder Part 3

9 3 0
                                    

Chapter 19: Caught in Between

The next day is quite normal. Matapos kaming makaalis sa exclusive na lugar ay dumiretso kami sa dining hall as if nothing happened. Fawn went back to her "mad" state so that the slowly breaking bond of our friendship seemed to be real in their eyes.

Mukha namang naloko namin sila kagabi dahil panay ang pagpaparinig at pang iinsulto sa akin. Kahit ngayon na naglalakad ako patungong Faculty building dahil nakatanggap ako ng mensahe galing kay Fawn kung nasaan ang spy na binigay sa akin ni Mr. Hennigan ay dinig na dinig ko ang mga binubulong nila.

"Makita ko lang na kasama niya si Dante, sasabunutan ko siya."

"I swear, makita ko lang hawakan niya ang hibla ng buhok ni Brad, blood will flood this building."

"I'm with you girl!"

"Same with me."

"Basta ako, tamang insulto lang kapag nilandi niya Titus ko."

"Same. Sobrang childish na ang pakikipagpisikalan."

"Yup. That's so old school. Let's be rich mean girls."

"Mag-hire ka na ng mga scholars."

"Bakit?"

"Sila gagawa ng dirty work for us."

"Brilliant idea! Para naman mawala na ang mga slums of the town dito sa school."

Naghagikhikan ang mga bruha. Umiling na lamang ako. The audacity of them to say that these war-freak girls are childish when they're acting like one and not a rich mean girl. Bakit hindi nila ako gayahin? Masinop na pinagiisipan ang bawat susunod na hakbang ng kalaban?

Anyway. Talulah isn't with me dahil may kailangan daw siyang gawin sa library na makakatulong sa akin. Pinabayaan ko na lang dahil busy din ako sa paghahanap ng hideout ni Heath dito sa school.

Akalain mong may sarili siyang bungalow sa loob ng school grounds? Ang daya! I am the queen, I should have my own resting place. Narinig ko lang kasi sa mga babae sa restroom ang tungkol doon, pero masyadong hindi naging resourceful ang mga chismosa.

Kung nalaman ko lang kung paano makakapunta doon, baka hindi ko na kailangang kausapin pa ang spy para malaman kung saan ang lungga ng mga daga.

Malapit na ako sa faculty building nang mag-vibrate ang phone ko. I took it out and read the message of Fawn.

From Fawn:
Matatagalan daw ang meeting ng spy with Mr. Hennigan. Wag kang papasok sa loob, maghintay ka sa West wing ng building at doon magtago. I already texted Emma about kidnapping the spy and g daw siya. Good luck!

What the hell?! Sino nagsabi sa kanyang kikidnapin ko ang lalakeng 'yon? He's not even worth my time!

Then again, magaling si Emma sa pananakot. Halos lahat ng estudyante rito ay takot sa kanya, kahit nga ang spy na 'yon ay takot kay Emma. Well, since akala ng Royal Maid ko ay matatanggal na ako sa posisyon might as well use her constantly.

Sinuswelduhan ko nga siya ng malaki pero never ko siyang ginamit. Minsan lang kapag nagpapalinis ako ng dorm, pero since marunong ako sa gawaing-bahay ay 'di ko talaga siya kailangan so . . .

Nakalabas na ako ng Main building at bumungad sa akin ang matayog na faculty building. Bago pa man ako makalapit sa pintuan nito ay lumiko agad ako para makapagtago. Sabi pa sa sumunod na text ni Fawn ay madalas dito lumiko ang spy ni Mr. Hennigan.

Hindi nga lang niya alam kung bakit pero wala akong pake. All I need to do is beat the hell out of that guy's body. Pero bilib din ako kay Fawn, kahit nasa klase ay gumagalaw pa rin ang mga galamay niya. I don't have any class today dahil obviously, araw ng pagpipigil kay Heath.

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin