33: Brotherhoods are Protecting

9 3 0
                                    

Chapter 33: The Bad Boy Rescued Me

"Let go of her," isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa tenga ko.

Sa lamig ng boses niya, alam ko na kung sino ang nagmamay-ari nito.

"A-ano daw?"

"S-sino marunong mag-ingglis diyan sa inyo?"

Napairap ako dahil sa iritasyon kay Heath. 'Yon lang ba ang gagawin niya? Ang utusang bitiwan ako? Nasaan na ang tapang niya noong nakikipagbasag-ulo siya sa mga lalakeng iyon that day? Don't tell me malakas lang siya kapag kasama mga kaibigan niya?

I get that he's outnumbered by only 5 of them, pero mga kalansay ang mga ito! Napabuntong hininga ako at disappointed na umiling when his eyes crossed-paths with mine. Binalewala ko ang pagtalim ng mga tingin niya and just rolled my eyes at him.

Sa bagay, hindi ko nga kayang makatakas sa payat na humahawak sa akin tapos si Heath pa kaya? Pero nung maramdaman ko ang pagluwang ng nanginginig na kamay nito, kinuha ko iyong oportunidad para makalaya.

Gulat silang lahat at hindi agad nakagalaw nung marahas kong pinalis ang mapayat na kamay ng lalake bago humarap dito at itulak siya ng pagkalakas-lakas dahilan para mabitawan siya ni Heath. Kita ko ang gulat na sumilay sa kanilang mga mukha ng awtomatiko nilang saluhin ang kanilang kaibigan.

When they saw me arching a brow at them- hiding my fear- nagtagis ang mga bagang nila at sinamaan ako ng tingin when I stuck my tongue out at them.

Base sa pagkuyom ng kamao nung lalakeng humawak sa akin kanina, tila ba gusto ako nitong suntukin kung hindi lang sila takot kay Heath.

"So this is why you bursted out of the house . . . "

Hindi ako nahirapang makita ang nakakalokong ngisi ni Dante, naglalakad ito patungo sa amin. Katabi niya ang lalakeng bihira kong marinig na magsalita. Seryoso ang obsidiyanong mga mata nito, tahimik na nagmamasid sa mga mapapayat na lalakeng pilit akong hinuhuli kanina.

Tumigil ang paghinga ko nung malipat ang malamig niyang mga tingin sakin. Hindi ko makayanang makipagtitigan sa kanya, napakabigat. Just like before, his eyes are unbearable. Iniwas ko ang mga mata ko at binalik ang atensyon sa mga panget sa harap.

Pansin kong natigilan silang lahat at hindi man lang gumagalaw. Siguro ay dahil sa presensya ng kasama ni Dante. Kung ako ang nasa kalagayan nila, siguradong matatakot din ako. Titig pa lang nito, kayang-kaya ka ng patayin sa kaba.

Pero teka, bakit dalawa lang sila? I scanned the whole place. Wala nga ang nakakabwiset na lalakeng iyon.

"Looking for me?", tumindig ang balahibo ko when a soft whisper echoed in my ears.

Nang lingunin ko ang salarin ay malapad na ang ngisi nito habang nakataas ang kanyang mga kamay, pinapakita sa akin ang . . .

"My pink shoulder bag!", hinablot ko 'yon sa kanya at agad kinuha ang cellphone sa loob ng bag.

Mom must be impatient right now.

"Wala bang kiss diyan?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"That skeleton barbie doll would be much happier to taste your disgusting lips," I retorted.

Kanina ko pa kasi nahahalata ang isa sa kasamahan ng mga kidnappers. Kaya pala tingin siya ng tingin sa may kaliwa ko dahil kanina pa nakatayo si Brad sa bandang likod ko, hindi naimik.

Lumawak ang ngisi niya. Isang ideya na pumasok sa kokote niya ang nakikita ko ngayon sa kanyang mga mata, at alam na alam ko kung ano ang naiisip ng mokong na 'to.

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now