31: Secret Admirer Part 1

10 3 0
                                    

Chapter 31: Cartas De Amor O Una Amenaza?

"Lyn, come on.. I was just kidding," panay ang habol sa akin ni Brad habang pilit akong kinukumbinsi na sumama ulit sa kanya.

Pero hindi ko siya pinansin. Kahit lumuhod pa siya o umiyak sa harap ko, hinding-hindi ko siya papansinin. At saka, hindi naman talaga 'yong panloloko niya ang dahilan ko kung bakit ayaw ko na ulit sumama sa kanya. May nararamdaman akong hindi maganda, at ayaw kong malaman kung ano iyon dahil hindi naman ako tanga para hayaan ang sarili kong maging clueless.

As much as possible, I have to get away from him as soon as possible.

Nang maramdaman kong wala ng sumusunod sa akin ay mas binilisan ko pa ang paglalakad ko palayo sa open field. Kailangan ko na rin kasi sukatin ang damit na susuotin ko for the Homecoming Dance. Mom was successful in delivering it to my dorm. I'm sure nakauwi na siya without saying goodbye.

Can't blame her. She's a very busy woman and I shouldn't get in her way lalo na't para sa aming dalawa naman ang ginagawa niya. I must be a matured person for me to not act childish when it comes to this.

I stopped walking when I noticed the girls and boys around me were staring at something behind me- or someone..

Mabilis akong humarap sa tinitingnan nila and true to my thoughts, Brad did kneel!

"What the hell are you doing?", my voice sounded restraint because of the fact that I controlled and told myself not to shout.

Immature pa naman ang mga babae rito, kapag narinig nila na sinisigawan ko ang crush nila ay siguradong gagawa na naman sila ng plano para atakihin ako.

"I want you to give me a chance," seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Walang halong biro, para bang hindi lang niya sa akin iyon pinapakita kundi pati sa buong eskwelahan.

Dahil sa hiyang nararamdaman para sa kanya ay nilapitan ko siya at hinawakan ang mga braso para sana itayo. Pero dahil mas malakas siya sa akin, he did not even budge. I tried several times pero nanatili siyang matigas.

"Stand up you jerk!", I exclaimed before slightly leaning towards him. "Are you sure this is going to work?", bulong ko, sapat lang para marinig niya.

"Just trust me on this one," agad akong napalayo sa kanya dahil sa paghalik niya sa aking pisngi.

Tumili ang mga babaeng nakakita habang ako ay natulala, hindi makagalaw dahil sa ginawa niya. I wanted so bad to erase that boyish grin that's on his amused face but I couldn't! Kahit anong inis at iritasyon ang maramdaman ko para sa kanya ngayon, hindi ko siya pwedeng hampasin lang ng basta-basta. Whatever his strategy is, I need to trust it and play along with him and set aside my boiling annoyance.

I hid my sarcastic smile that was about to show on my face by pouting my lips and act as if his kiss affected me, like those other girls who would easily fall for him and be romantically excited whenever he charms them.

Brad chuckled when he noticed I was trying so hard to fake my smile. Hindi ko tuloy maisatinig ang gusto kong sabihin dahil paniguradong sisigawan ko lamang siya, kaya pinili ko na lamang gawin ito...

"Ikaw talaga," kunwaring tumatawa ako sa kilig habang pinipisil ang mga pisngi niya. I made sure I pinched his cheeks hard because this is the only way I can tell him how much I'm annoyed by him.

"A-aray.." he faked his laugh and smile. "Tigilan mo 'yan Lyn, baka ngayon pa lang mawalan ka na ng boboto sayo," and then he laughed loud and hard as he tried freeing his cheeks from my vengeful hands.

Nagtagumpay siya, natanggal niya ang kamay ko. Pero para kaming mga tangang nagtatawanan habang nagpapalitan ng banta sa isa't isa. Mabuti na lang at walang lumalapit sa amin na fans niya para maki-epal.

The Queenbee's Downfall (On-Hold)Where stories live. Discover now