[01] [Narration]

1.6K 104 12
                                    

#01

I'm so devastated from what happened. Walang hiwalayan ang nangyari sa amin ni Emery, cool off lang muna kami for a mean time. Iyan ang gusto kong itawag sa nangyari sa amin. Hindi break up. Hindi hiwalayan. Simula no'ng nangyari, nawala na 'yong focus ko sa pag-aaral. Pilitin ko man, but I can't help myself avoid thinking of her. Siya lagi ang tumatakbo sa utak ko minu-minuto.

"Argh." Inihilamos ko sa mukha ko 'yong reviewer dahil sa inis. Tumingin ako sa upuan kung saan usually nakaupo si Emery. Mariin akong napangiti nang mapait at iniling-iling ang ulo. Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na miss na miss ko na siya. Wala na kasi siyang paramdam sa akin buhat noong nangyari.

Three days na 'yong lumipas no'ng mga nangyari sa amin dal'wa. Kaya three days na rin akong nagtitiis na sanayin ang sarili na wala 'yong presence niya sa tabi ko. Four months ko siyang niligawan kaya hindi ako makapaniwalang two months pa lang kami, hinayaan ko agad siyang masaktan at lumayo sa akin.

Siguro, I should have to take a break on what I am doing right now. Mas mabuting ilibang ko muna ang sarili sa ibang mga bagay, kaysa mag-review at para sa ganoon, makalimutan ko siya nang panandalian. Two months na ako rito sa kuwarto ko at walang ginawa kun'di mag-review. Masyado akong concious and exaggerated para sa entrance exam, which is hindi dapat. I guess, it's about time to amuse myself now.

Madaling araw na ngayon at nais ko sanang lumabas para gumala kaso siguradong wala na akong mapupuntahan ng ganitong oras. Inimis ko na lang 'yong mga reviewer ko at kinuha 'yong laptop. Hindi pa ako tinatamaan ng antok.

Upset ako sa nangyari sa amin ni Emery, madalas na akong malungkot at magsisi. Ngayon ay gusto ko naman humagalpak at sumakit ang tiyan sa kakatawa. Pumunta ako sa website ng YouTube at nag-search ng Funny Videos. After 20 minutes, hindi ako nabigo dahil halos maluha-luha na ako katatawa. Ito na 'yong pakiramdam na gusto ko, through laugh, I can release at least the pain inside of my chest.

Tumayo ako at pumuntang CR nang makaramdam ako pag-ihi, hindi ko pinause 'yong pinapanood ko at hinayaan lang ito mag-play. After kong mag-CR, nagtataka akong lumapit sa laptop ko nang makarinig ako ng boses ng isang babae mula rito. I just realized that naka-authoplay pala ito at 'yong pinapanood ko kanina ay natapos na kaya authomatic nag-appear 'yong next video ng isang babae.

Nang makalapit na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit napatitig ako sa babae. Gusto ko sana i-back na lang 'yong video pero 'yong mga daliri ko ay ayaw makisabay. I don't know why but I found her interesting.

"Ang ganda niya." Out of nowhere, bigla kong sambit sa sarili ko. Ang simple lang ng hitsura niya pero kapag ngumingiti at tumatawa siya, mas lalo siyang gumaganda. May pagkakataon na kapag may part na maganda siya sa paningin ko ay i-pa-pause ko ito at panandaliang susulyapan.

Tuluyan nang ipinako ng mga mata ko ang panonood sa vlog ng babae. Saglit, ano bang pangalan niya?

I instantly stalk her channel and I found out that she had an almost million subscribers already. And her name is . . . Obrie Smith.

Kumuha ako ng chips sa side table ng kama ko at tuluyan nang pinanood ang mga vlog niya. I don't know what happened to myself but there's a something in me pushing through me to watches her videos. Based sa mga napanood kong video niya, I could say that I like her attitude, napaka-funny niya at halatang kung ano ang ipinapakita niya sa video, ganoon din siya in real life. Kumbaga, totoo sa sarili.

Hindi maalis-alis ang ngiti mula sa mga labi ko habang pinapanood siya.

I slammed my laptop when I remembered something. Ano itong ginagawa ko? Plano ko lang ay manood ng mga funny videos pero wala akong sinabing manood ako mga vlog ng isang babae. Hindi ako puwedeng ma-attract. Bigla kong naalala si Emery. May girlfriend ako pero bakit nagiging ganito ako? Hindi naman siya si Ivana Alawi para maging ganito ako, siya si Obrie.

Napakunot ako ng noo at bahagyang napatawa sa sarili. Wala naman sigurong issue kapag nanood ako ng mga vlogs. Besides, malaya ako ngayon kasi cool off kami ni Emery kaya walang magdidikta kung anong gusto kong gawin. Wala siya ngayon sa akin pero kapag bumalik na siya, ititigil ko na rin naman ang panonood ng mga videos ni Obrie.

-

I accidentally take a glance at my window, I'm shookt dahil may liwanag na rito. Tumingin ako sa oras na naka-flash sa laptop ko: 6:30 AM na pala. 1 AM akong nag-start na manood ng video ni Obrie pero hindi ko inakalang aabutin ako ng umaga kanonood sa kanya. Hinihintay ko lang 'yong sarili ko na dalawin ng antok pero tuluyan na akong hindi nakatulog.

Ilan na ba ang videos napanood ko sa kanya? 10?.. 25?... 40+?

Grabe.

Pinatay ko na 'yong laptop ko at dahan-dahang nahiga sa kama. Kahit umaga na, susubukan ko pa rin makatulog.

Inabot ako ng ilang minuto pero tumatakbo lang sa isipan ko si Obrie. I bit my lower lip. Hindi ko na kayang matulog, hindi dahil umaga dahil tuluyang nang nagulo ang isipan ko tungkol kay Obrie. Kanonood ko lang ng vlogs niya kanina pero bakit bigla akong naadik sa kanya? Hindi ko maintindihan ang sarili. No'ng last three days naman, si Emery lang iniisip ko pero ngayon, mabilis lang napalitan no'n ni Obrie.

Nilagyan ko ng unan ang likod ko at sumandal dito. Kinuha ko ulit 'yong laptop ko at sinearch ang pangalan ni Obrie sa mga social media. When I stalked her FB aacount, I found that she already has a boyfriend. Napabagsak ako ng balikat. Akala ko, single siya base sa mga videos niya na napanood ko. Hindi ko kasi nakikita na kasa-kasama niya doon 'yong boyfriend niya. 2 years na sila naka-in relationship.

I frowned.

Kahit alam kong may boyfriend siya at imposibleng ma-notice niya ako. Naglakas loob akong i-chat siya. No'ng una, sinabi ko sa sarili ko na huwag kasi may girlfriend ako at may boyfriend siya. Kaso naisip kong simpleng chat lang naman 'yong gagawin ko para ma-notice niya lang ako. 'Yon lang ang intensiyon ko. Masyado akong OA para isipin na sisirain ko ang relasyon nila ng boyfriend niya.

6:56 AM

Nick:
Hello, Obrie! HAHAHAHAHA.

Nick:
I'm a big fan of yours po. Lol.

I chuckled. Magsisinungaling ako para lang mapansin niya ako. Kaninang madaling araw ko nga lang napanood ang mga vlogs niya, then I'm a big fan of yours daw agad ang sabi ko.

Nick:
Good Morning! :)))))

Nick:
Ang dami mo palang followers, 'no. Paano mo na ako niyan mapapansin?

Nick:
'Di bale, aasa pa rin ako na mag-rereply ka ng kahit isang 'Hello' lang. Hehe. :) isang 'hello' lang, solve na ako.

------------

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now