[20]

521 44 1
                                    

#20

10:57 PM

Nick:
Wala na.

Nick:
Punyeta?

Nick:
Bakit ang aga niya ako iniwan?

Nick:
Bakit mismong araw pa ng kaarawan ko siya nang-iwan? Wala na bang excuses?

Nick:
Ang sakit.

Nick:
Hirap na hirap na nga ako para kalimutan si Emery, pagkatapos namatay naman si Lola.

Nick:
Punyeta. Ang bigat sa dibdib.

Nick:
Ang hirap isipin na 'yong taong laging nandyan sa tabi ko, 'yong totoong nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal, malayang nang natutulog nang mahimbing at hindi na muling gigising pa.

Nick:
How could I enjoy this day if my Lola's passed away? Actually, hindi ko maramdam na birthday ko nga ngayon.

Nick:
Halos sila Tita, na kasama ko rito sa bahay. Abala sa pag-aayos ng bahay namin.

Nick:
Nakalimutan na talaga nila na birthday ko ngayon.

Nick:
Naiintindihan ko naman kung bakit, eh. Wala namang mawawala kapag hinayaan kong lumipas itong araw na ito na parang hindi espesiyal sa akin.

Nick:
Wala manlang nakaalala, miski mga kaibigan ko. Maliban kay Slaine, binati niya agad ako.

Nick:
One hour left to go before my birthday's end, but I'm still hoping, wishing, waiting to my relatives or friends, remember this day that it was my special day. Hoping for a last minute plot twist.

Nick:
Kaya ko ito.

Nick:
Ikaw, sana batiin mo rin ako. :(

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now