[98]

352 24 1
                                    

#98

2:12 PM

Ecka:
Utoy? Asaan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay sa iyo. Hinahanap ka ni Emery.

Ecka:
Pumunta ka na rito, please. Kailangan ka namin ngayon.

Nick:
Tita? Bakit po ako?

Ecka:
Kasi ikaw 'yong gustong makita ni Emery. Please? Ayaw niya kasing kumain.

Nick:
And'yan naman po si Dwanye, 'di po ba?

Ecka:
Pinaalis ni Emery. Hindi ko alam na sinaktan pala no'n 'yong anak ko. At hindi ko alam na siya pala 'yong bagong boyfriend niya. Kung hindi pa siya rito pumunta, hindi ko pa malalaman. Hindi pa kasi sinasabi sa akin ni Emery, eh. Akala ko, ikaw pa rin 'yong boyfriend niya.

Ecka:
Nalaman ko rin 'yong tungkol sa paghihiwalayan niyo ni Emery. Aaminin ko, Nick. Bilang magulang, medyo nagagalit at nadidismaya ako kina Dwayne at sa anak ko. Ang bata-bata pa nila pero paano nila nagagawawang agad maghalikan agad at sa publiko pa? Nakakahiya. Nagulat ako, siyempre, kasi sino ba namang magulang 'yong malaman mo 'yong anak mong nagiging ganoon bigla. Mabuti ka pa, may respeto ka sa anak ko. Sorry, Nick sa nagawa ng anak ko, ah. Kung kaya't nasaktan ka niya. Nagsisisi rin naman siya, eh. Sabi niya sa akin, natukso lang daw siya kay Dwayne.

Ecka:
Nick, Kakapalan ko na 'yong mukha ko para sabihing, huwag mo muna iwan 'yong anak ko hangga't hindi pa siya nagaling. Please? Ikaw palagi ang bukang-bibig niya sa akin.

Nick:
Sige po. Papunta na po ako. Hintayin niyo lang po ako.

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now