[146]

333 21 4
                                    

#146

7:09 PM

Mark:
We finally broke up, sorry sa mga nasabi ko sa iyo, men. Sorry if I blame you for this. Na-realize kong ako pala talaga 'yong may mali sa relasyon namin. Kanina, pumunta ako sa bahay nila, tinanong ko siya kung masaya pa ba siya sa relasyon namin, sagot niya, hindi. Tinanong ko siya kung anong dahilan and I found out that it's all about me. Nagsisisi na tuloy ako sa mga mali ko noon. Akala ko, napatawad na niya ako at nakalimutan na niya iyon pero dala-dala pa rin pala niya iyon hanggang ngayon.

Mark:
Hindi na ako galit sa iyo, p're. Ako 'yong unang nakasakit sa kanya kaya siguro nawala na 'yong kulay sa relasyon namin at sorry kung ikaw 'yong sinisi ko. Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang siya makitungo sa akin. Ako lang pala 'yong nagpupumilit sa relasyon namin, gusto ko man ayusin 'yong gusot at patunayan sa kanya na hindi ko na siya sasabihan ng masakit na salita pero hindi ko na magagawa. Siya na 'yong sumuko.

Mark:
Ang sakit no'ng isumbat niya sa akin iyong mga mali ko noon. Nadala lang naman ako sa emosyon ko noon kaya nasabihan ko siya ng 'pokpok' at 'malandi'. Sabi ko sa kanya, babawi ako at babaguhin ko iyon pero sabi niya sa akin, hindi na niya ako mahal. Siguro, hindi ko nga siya deserve.

Mark:
"Hindi na kita mahal". Iyan na siguro 'yong pinakamasakit na salita narinig ko sa buong buhay ko. Sinubukan kong gumawa ng magagandang bagay para sa relasyon namin-para sa kanya, nagbabakasakaling baka iyon ay mapansin niya pero hindi, eh. Dahil sa isang mali ko, hindi na niya ako mahal.

Mark:
P're, kahit ano man ang mangyari, don't court her. Promise me that.

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now