[135]

328 24 14
                                    

#135

12:20 PM

Nick:
P're. Wala kaming ginagawang masama ni Obire. Nag-chachat lang kami pero wala iyon ibig sabihin.

Mark:
E di, tang* ako? Ganoon?

Nick:
Ha?

Mark:
Ang sweet niyo nga sa chat niyo, eh. Compared sa convo namin, walang-wala. Ang lalandi niyo! Mga pokpok!

Nick:
Kung mahal mo talaga si Obrie, may tiwala ka dapat sa kanya. Hindi 'yong puro ka pagdududa sa amin. At huwag mo kaming pagsalitaan ng ganyan, p're.

Mark:
Paano ako hindi magdududa kung 'yong atensiyon niya ay puro nasa phone niya at wala sa akin tuwing magkasama kami? Paano ako hindi magdududa sa mga chat niyo? Paano ako hindi magdududa sa ngiti ni Obrie kapag ka-chat ka niya? Nagseselos ako, oo. Sinong lalaki ang hindi magseselos sa ganoon?!

Mark:
'Yong ngiti niya, p're. Katulad ng ngiti niya katulad noong nag-uumpisa pa lang kami sa relasyon namin but when you came inyo her life, wala na. Mukhang wala na siyang gana sa relasyon namin. Hindi mo na dapat nilalandi 'yong may syota na.

Nick:
Tingnan mo muna 'yong sarili mo. Itanong mo sa sarili mo kung bakit.
Ikaw 'yong unang nanakit sa kanya, huwag kang magmalinis.

Mark:
Oo, nasabihan ko siya ng masakit na salita noon pero pinagsisihan ko iyon at sinikap kong humingi ng tawad sa kanya.

Mark:
P're, Kung mahal niya rin ako. 'Yong atensiyon niya, ibibigay niya dapat sa akin at hindi sa iyo lang, men. Tigilan mo na ang pag-chachat sa Girlfriend ko. Malilintikan ka sa akin kapag hindi ka pa tumigil.

You can't reply to this conversation.
Learn more.

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now