[116]

335 23 10
                                    

#116

6:15 PM

Ace:
Ayaw ko sanang magmura pero fv*k you!

Nick:
Para saan? Bakit?

Ace:
Hindi mo pa alam?! Sabagay, wala ka naman pakialam, 'di ba?

Nick:
I-straight to the point mo na, p're. Hindi kita maintindihan. Alin ba ang hindi ko alam?

Ace:
Patay na si Slaine.

Ace:
At ikaw ang may kasalanan kung bakit. Punyeta ka! Gag* ka! Bwiset ka! Fv*k you! Tarantado ka!

Nick:
Ha? Huwag mo nga akong lokohin. Gag* ka.

Nick:
Ace, kung prank man ito, hindi nakakatuwa.

Nick:
Huwag kang ganyan. Hindi siya puwedeng mamatay nang maaga. Hindi pa nga kami nagkakausap, eh. Sasapakin kita. Lagot ka sa akin.

Ace:
Sana nga, 'no. Sana nga prank lang itong sinasabi ko sa iyo kaso hindi p're, eh. Patay na talaga siya. Wala na siya. Hindi na siya babalik. Kupal ka kasi.

Nick:
Hindi ako naniniwala sa iyo! Hindi niya tayo puwedeng iwan na lang nang gano'n-gano'n na lang. Pinapakaba mo ako. Ka-chat ko lang siya no'ng isang araw, tapos ngayon patay na agad siya? Sobrang imposible, p're!

Nick:
Pare.

Nick:
Ayaw kong mawalan ng bestfriend. Huwag mo akong pag-aalalahanin.

Ace:
Gag* ka kasi. Ikaw may kasalanan.

Ace:
Kung sinabihan mo agad si Slaine na hindi ka darating, sana buhay pa siya ngayon. Hindi mo ba naisip na gabi na at hinayaan mo lang siyang mag-isa doon? Hindi mo ba naisip na delikado mag-isa? Hindi mo ba naisip na puwede siyang mapahamak? Bakit mo kasi kinalimutan?! Tarantado ka!!!

Ace:
Ayan tuloy, wala na siya. Wala na tayong kaibigan. Paano na ito? Ano nang mangyayari? Nakakainis!

Nick:
Susmaryosep.

Nick:
Sorry. Gulong-gulo lang 'yong isip ko kagabi. Nagka-emergency kasi si Emery kaya pumunta agad ako at hindi ko na siya naiisip pa.

Ace:
I don't need you fvcking reason! Kahit ano pa iyan, hindi pa rin mababago na patay na siya. Papatawarin lang kita kung maibabalik mo pa siya. Kaya mo? Kaya mo? Ha?!

Nick:
I am really sorry. Hindi ko aakalaing hahantong iyon sa ganito.

Nick:
Nakokonsensiya tuloy ako.

Ace:
Dapat lang! Dapat si Emery na lang 'yong namatay at hindi si Slaine.

Ace:
Hindi ko na alam kung saan ako hahanap ng katulad niya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'yong buhay ko na wala na siya.

Ace:
Arghhhhh!

pinalalim: this is not how it should beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon