[129]

347 28 11
                                    

#129

A/N: Itong part na ito ay group chat ng mga magkakabarkada nina Nick, Slaine at Ace. Baka kasi malito kayo. Kung tanda niyo pa 'yong Part 46 noon, sila iyon ngayon.

--------

BarkaDalogs Group

12:56 PM

Tonyo:
Miss ko na si Slaine :((

John:
Ako rin. Naiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Iniisip ko pa rin 'yong mga memories natin kasama siya, nakakalungkot.

Ken:
Hays, ako nga rin, eh.

Ace:
Lalo na ako. Hindi ako sanay na hindi ko na siya nakakasama at nakaka-chat tuwing gabi.

Hence:
Mga bakla, naiyak.

John:
Paky*! Hindi oras ngayon ng pagbibiro. Hence. Umayos ka.

Hence:
Hehehe, joke lang. Miss ko na rin naman siya, eh.

Jin:
Sayang, hindi manlang tayo nakapag-bonding kasama siya.

Tonyo:
Kaya nga. Hanggang ala-ala na lang.

Nick:
Sorry, Guys.

Tonyo:
Bakit ka nag-sosorry? Hanggang ngayon ba naman ay sinisisi mo pa rin sarili mo?

Ace:
Hindi na kami galit sa iyo, p're. Huwag kang maging ganyan.

John:
Ramdam ko si Nick. Hindi natin siya mapipigilan sa pagiging ganyan.

Nick:
Haysssss. Ewan, binabagabag pa rin ako ng konsensiya ko, eh. :(

Nick:
Nakakainis. Iniwan na agad tayo ng Prinsesa natin sa barkada.

Ken:
May prinsesa pa rin naman tayo, eh. Si Jin ang pangalawang prinsesa natin.

Jin:
Gag*, hindi ako bakla.

Hence:
Hahahaha.

Ace:
Kahit naman na iniwan na niya tayo, part pa rin naman siya ng barkada natin. Siya pa rin ang kaisa-isang prinsesa natin.

Hence:
:( oo naman!

Tonyo:
Ang hirap maiwanan ng kaibigan. :(

Jin:
:(

Nick:
Sana mapanaginipan ko siya.

Hence:
Ako rin.

Ace:
Ako rin. Sana multuhin niya ako.

Ken:
Sumunod ka na lang sa kanya, Ace kung gusto mo siyang makasama.

Ace:
Puwede rin. Good idea.

Tonyo:
Baluga! Nagbibiro lang iyan si Ken. Baka seryosohin mo nga, Ace.

Nick:
Ace, hindi ka sa langit mapupunta. Sa impyerno.

Ace:
Grabe ka sa akin. Haha. Tbh, gusto kong sumunod. Gusto ko na siyang makita ulit, eh. Miss na miss na miss na miss na miss na miss ko na siya.

Hence:
Hindi puwede iyon, Ace. May mga mission ka pa sa mundong ito. Hindi tamang sumunod ka sa kanya.

Tonyo:
Ace, kung seryoso ka d'yan. Punyeta, huwag na huwag mong gagawin iyan.

Ken:
Kaya nga.

Ace:
Haahahahaha. Biro lang.

John:
Sa tingin mo, p're matutuwa si Slaine kapag sumunod ka sa kanya? Saka, tayo nga, hirap na hirap sa pagkamatay niya. Paano pa kaya kapag sumunod ka pa? Ayaw namin magluksa sa dalawa naming kaibigan, ha.

Ken:
Ang drama mo, John.

John:
E di, wow.

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now