[131]

320 19 5
                                    

#131

12:19 PM

Ecka:
Nick?

Nick:
Bakit po?

Ecka:
Maglalakas loob ako ngayon, Nick.

Nick:
Po? Bakit po??

Ecka:
To be honest, hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa Hospital Bills. Tapos, may mga session pa ng chemotherapy si Emery. Ubos na 'yong savings ko, pati na rin sa asawa ko. 'Yong ipon naman ni Emery, paubos na rin.

Ecka:
Nick, nakakahiya na itong ginagawa ko sa iyo pero para sa anak ko, kakapalan ko ulit ang mukha ko. Puwedeng pahiram ng kaunting tulong?

Nick:
Sige po, Tita.

Nick:
Subukan ko pong sabihan si Mama kung may maibibigay po siya.

Ecka:
Thank you, Nick!

Ecka:
Sorry talaga para rito. Wala na kasi kami malalapitan, eh. Wala naman akong trabaho at hindi naman sapat 'yong suweldo ng asawa ko kasi kasisimula pa lang niya sa trabaho at hindi pa siya permanent doon.

Ecka:
Hindi ko nga alam kung mapapaaral ko pa si Emery ng college kasi 'yong naipon namin ng asawa ko para sa tuition fee niya ay nagalaw na.

Ecka:
Hirap na ako, Nick. Hindi na ako makatulog tuwing gabi kasi iniisip ko kung saan ako huhugot ng pera. Bakit kasi anak ko pa 'yong nagkasakit? Bakit kami pinapahirapan ng ganito?

Nick:
Tita, pagsubok lang iyan. Hindi iyan ibibigay ng mundo kung hindi niyo naman po kaya.

Nick:
Always think positive, Tita. Gagaling din po agad si Emery. Huwag po kayong malungkot.

Ecka:
Sana nga, gumaling agad siya. Excuse ko 'yong sinabi mong 'always think positive'. Iho, hindi ko kayang i-apply iyon ngayon kasi natatakot akong baka after niyang gumaling ay bumalik din agad 'yong sakit niya. Hindi imposibleng mangyari iyon.

Nick:
Huwag naman po sana. Hays. Ayaw ko po siyang makitang nahihirapan sa sakit niya.

Ecka:
Miski ako, iho.

Nick:
Basta, laban lang po, Tita! Labaaan!


pinalalim: this is not how it should beOù les histoires vivent. Découvrez maintenant