[73]

396 34 1
                                    

#73

4:49 PM

Slaine:
Ace?!!!!!

Slaine:
Anong nangyayari?!

Slaine:
Chinat ko si Nick pero mukhang galit na galit. Ace, sumagot ka naman! Nag-aala ako.

Ace:
Kaunting-kaunti na lang, papatayin ko na itong si Dwanye.

Ace:
May kahalikang babae na naman kanina! Dito rin sa mismong parke. Hindi manlang inisip na may Girlfriend siya! Kitang-kita siya ni Emery. Napa-gag* talaga.

Ace:
Lahat na lang ba ng babaeng dadalhin niya rito ay kailangan pinapatos niya? Punyeta. Napakababaero talaga! Papatayin ko 'yon. Nagtitimpi na ako.

Slaine:
Asaan si Nick?

Ace:
Nandoon sa bench, kasama si Emery. Walang tigil sa pag-iyak si Emery, habang si Nick naman, tuloy lang sa pagpunas ng luha nito.

Ace:
Hindi pa yata nasasabi ni Nick ang gusto niyang sabihin kay Emery. Halata kay Nick ang pag-aalala. Siguro, matatapos ito nang walang mangyayari. Nakakainis talaga si Dwayne. Ano bang nangyayari bigla sa ungas na iyon? Ba't parang may sakit na sa pagiging tigang?!

Slaine:
Galit na galit talaga, ah. Chill ka lang. Hayaan mo na si Dwayne.

Slaine:
Eh, asaan siya ngayon?

Ace:
Wala na. Umalis na. Pagkatapos siyang masuktok ni Nick. Mabuti na lang walang masyadong mga tao rito. Makiki-gulo na rin sana ako kaso biglang tumakbo si Dwayne palayo.

Ace:
Naaawa ako kay Emery. Ang suwerte nga ni Dwanye, eh. Pinili siya ni Emery over to Nick, pagkatapos sasaktan pa niya nang ganito? Napakatarantado. Nanira lang siya ng relasyon nila Nick, eh.

Slaine:
Masanay ka na. Hindi ko nga alam kung anong nangyari d'yan at nagbago bigla.

Ace:
Basta, ako. Wala akong kaibigang ubod ng bastos at babaero.

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now