[118]

361 24 3
                                    

#188

12:01 PM

Obrie:
Are you okay? :(

Obrie:
Nabasa ko 'yong post mo. Condolence.

Nick:
Hindi ako okay.

Nick:
Dahil sa akin, napahamak 'yong kaibigan ko.

Obrie:
Hindi ko man alam kung ano 'yong tunay na nangyari pero huwag mong sisihin 'yong sarili mo. Kung talagang hanggang doon na lang nakatakda 'yong buhay niya, doon na lang 'yon. Wala ka nang magagawa. Alam kong hindi mo naman ginusto 'yon at alam kong mahirap mawalan ng kaibigan.

Nick:
Ayaw ko man sisihin sarili ko pero sa kahit anong anggulo, ako pa rin 'yong may kasalanan. Naiinis ako sa sarili ko.

Nick:
Lubog na lubog na ako. Ang hirap labanan 'yong sunod-sunod na probelama.

Obrie:
I'm here :)

Obrie:
Just like what you always kept saying to me, I am also here. :)

Nick:
Thank you.

Nick:
Natatakot akong magalit sa akin 'yong mga magulang ni Slaine. 'Yong isa kong kaibigan, galit na galit na sa akin, eh.

Obrie:
Ano bang nangyari? Bakit ikaw ang sinisisi?

Nick:
Magkikita dapat kami kahapon kaso nakalimutan ko siya.


Obrie:
Ohhhhh!

Obrie:
Kung may malalim ka naman rason kung bakit hindi mo siya napuntahan, maiintindihan ka naman nila siguro. Pero grabe naman kung kinalimutan mo lang talaga siya.

Nick:
Pinuntahan ko kasi si Emery kahapon, kailangan kasi ng tulong. Hanggang nakalimutan ko na si Slaine. Hindi ko naman inakala na mababangga siya, eh.

Obrie:
:(

Obrie:
Subukan mong pumunta sa burol ng kaibigan mo. Humingi ka ng tawad sa mga magulang niya at sabihin mo 'yon rason kung bakit hindi mo siya nasipot. Huwag kang matakot at mangamba. Hindi ikaw ang may kasalanan, walang may kasalanan. Baka malay mo, maintindihan ka pa nila. :)

Nick:
Hindi ganoon kadali. Pero sige, susubukan ko. Kakapalan ko mukha ko.

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now