[167]

375 16 0
                                    

#167

8:01 AM

Ecka:
Nick, wala ka naman pasok ngayon, 'di ba?

Nick:
Wala naman po. Bakit po?

Ecka:
Nakausap ko kasi si Dwanye kanina. He explained to me his side about his break-up with my daughter. Ramdam ko 'yong guilty niya at pagiging tapat. Pinatawad ko siya at niyakap niya ako, sinabi niya sa akin na mahal niya pa rin daw 'yong anak ko. Nalaman ko na pinatawad mo na rin pala siya.

Ecka:
Nick, puwede ka bang pumunta rito sa bahay? Ayaw kasing magpagamot ng anak ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ikaw pa rin 'yong bukang bibig niya. Alam kong nakakaistorbo na ako sa iyo, pero ngayon gusto kong gumawa ng paraan.

Ecka:
Susubukan kong baka sakali kung si Dwayne 'yong nasa tabi niya palagi at mag-aalaga sa kanya ay maibalik pa nito 'yong pagmamahal niya. Para siya na lang 'yong hinahanap-hanap at hindi na ikaw. Makukumbinsi ko na siyang magpagamot.

Ecka:
Kasi ikaw, alam kong wala na talaga pag-asa kasi hindi mo na mahal ang anak ko. Madali lang naman magmahal si Emery, eh. Ipakita mo lang na palagi kang nand'yan sa tabi niya, mamahalin ka na niyan. As like what you have did before, binabantayan mo siya kaya nahulog ulit 'yong loob niya sa iyo. Mabilis lang kasing bumigay ang damdamin niya.

Ecka:
Ito 'yong favor ko sana sa iyo, Iho. Maaari bang tulungan mo kaming magpaliwanag kay Emery 'yong side ni Dwayne tungkol sa mga nakita niyo noon na nakipaghalikan siya sa iba? Baka iyon, mabago pa no'n yong loob ni Emery kay Dwayne. Kahit imposible iyon, sana maging posible. Sana maibalik 'yong pagmamahal niya kay Dwayne.

Nick:
Okay po. Pupunta na po ako ngayon. Nand'yan pa naman po si Dwayne, 'di po ba?

Ecka:
Oo.

Ecka:
Maraming Salamat, Nick sa lahat ng effort na ipinapakita mo sa amin. Sobra akong blessed na naging parte ka ng buhay namin.

pinalalim: this is not how it should beOù les histoires vivent. Découvrez maintenant