[71]

393 37 1
                                    

#71

1:46 PM

Slaine:
Ace, lahat ba ng itatanong ko, 'oo' ang isasagot mo?

Ace:
Depende? Bakit?

Slaine:
Basta, kailangan 'oo' ang sagot mo, ha?

Ace:
Okay? Ano ba iyon?

Slaine:
Pahinging favor? Please?

Ace:
Sige. Ano iyon?

Slaine:
Puwedeng silipin mo sina Emery at Nick mamaya sa park? Magkikita sila mamaya, eh.

Ace:
Eys. Luh. Ayaw ko nga. Tinatamad ako.

Slaine:
Pleaseee? Dali na :(

Ace:
B'wiset naman! Sige na. Oo na. Anong oras ba?

Slaine:
Yes!

Slaine:
4:00 o'clock.

Slaine:
I-update mo ako kung ano man ang mangyayari mamaya, ha?

Ace:
Opo.

Slaine:
Huwag kang uuwi nang maaga hangga't hindi pa sila naghihiwalay, ha?

Ace:
Opo.

Slaine:
Yehey! Thank you!

Ace:
Utang mo ito sa akin, ha. Ililibre mo ako ng meryenda d'yan sa bahay niyo mamaya. Pasalamat ka, wala akong ginagawa ngayon.

Slaine:
Sure! Always welcome ka rito.

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now