[159]

359 21 0
                                    

#159

9:25 PM

Liza:
Good Evening, Nick!

Liza:
May random question sana ako sa iyo. Seryoso ito.

Nick:
Ano iyon?

Liza:
Paano labanan ang insecurities sa sarili?

Nick:
Bakit? Na-iinsercure ka? To whom?

Liza:
Yep. Minsan. Sa ibang taong mga makikinis ang balat, mapuputi, magaganda, matatangos ang ilong, pang-model ang hitsura at attractive. Alam mo, 'yong feeling na hindi ako kuntento sa sarili ko? Pakiramdam ko, may kulang para hindi ako magustuhan ng mga tao?

Nick:
Bakit hindi ka nakukuntento sa sarili mo? Maganda ka naman, ah? Wala naman mali sa iyo.

Liza:
Eh? Hindi, ah.

Liza:
Kung maganda ako, dapat kuntento na ako sa sarili ko.

Nick:
Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba dahil sa hitsura mo. Huwag mong hayaang kainin ka niyan at lumubog ka. Liza, hindi sa mukha nasusukat ang gagandahan ng isang tao. Sa kung gaano kalinis ang kalooban mo at sa kung gaano kaganda ang puso mo.

Liza:
Paulit-ulit ko na lang naririnig iyan. Walang bago, ganito pa rin ako. Hindi ang sarili ko ng tatanggapin ko kun'di kung paano tumakbo ang mundo. Tatanggapin ko na lang na mukha talaga ang basehan para magustuhan ka ng maraming tao. Kahit anong ganda ng ugali mo pero kapag panlabas na anyo ang nakikita nila sa iyo, talo ka pa rin talaga. Ganito na ang panahon ngayon, ganda na ang basehan.

Liza:
Then, bulok pa mag-isip ang mga tao, porket hindi ka maganda, napakasama na agad ng tingin nila sa iyo na akala mo'y kilalang-kilala ka na nila. Mapanghusaga.

Nick:
Liza, hindi porke't hindi ka na gusto ng mga tao ay hindi mo na rin mamahalin ang sarili mo. Kung sino ikaw, maging ganoon ka. Hindi mahalaga ang sasabihin ng iba. Maging kuntento ka lang. Maging matapang ka. Maging totoo ka.

Nick:
We all have insecurities within to ourselves, but I want you to know that you are beautiful. Walang Liza na katulad mo. You are unique! Matalino. Legit iyan. Ang active mo kaya sa recitation and laging perfect sa quiz natin. Proud ako sa iyo.

Liza:
Thank you. May mga oras kasi minsan na parang iniisip kong kapag tumanda ako, babaguhin ko 'yong ibang parte ng pisikal ko. :(

Nick:
Liza, huwag! Katulad ng nabasa kong quote. "You are perfect exactly as you are". Hindi mo kailangan baguhin iyan sarili mo, at alam mo ba kung anong dapat mong baguhin? Iyan bulok mong pananaw.

Liza:
Tama ka nga. Salamat, Nick sa pag-cheer up sa akin. Kahit hindi pa ako totally okay pero salamat pa rin sa pagpapagaan ng loob ko.

Nick:
Mark my words, isang araw, mamahalin ka ng ibang taong dahil sa pagiging totoo mo sa sarili mo at pagiging matapang mo kahit nakakatanggap ka ng panghuhusaga.

Nick:
Believe me, maganda ka. Promise.

Liza:
Hmm.. Salamat.

Nick:
Tomorrow is a brand new day, restart, Liza. Restart with removing your dark thoughts and restart with positive thoughts.

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now