[23]

529 37 1
                                    

#23

6:04 PM

Nick:
I just watched your point-of-view video about your break up with Mark earlier. Okay ka lang ba?

Nick:
30 minutes din 'yong video. Hindi ko tinapos. Siguro, mga five minutes lang 'yong napanood ko. Ayaw kong malaman kung bakit kayo nag-break kasi baka maalala ko lang 'yong ex ko.

Nick:
Pareho tayo. Apir!

Nick:
Iniwan ng syota. Mga paksh*t.

Nick:
Bakit kaya ganoon 'yong ibang mga tao? Pumasok-pasok sa isang relasyon nang hindi sigurado, then eventually, sasabihin nila sa atin, nagsasawa na raw sila. Fu*k that reason. Bakit kasi naimbento pa ang salitang sawa? Dapat pinertain only na lang nila iyon sa isang ahas.

Nick:
Ang ipinagtataka ko kay Mark, ikaw 'yong pinapangtasiya ko, pagkatapos iiwanan ka pa niya? Napakasuwerte na nga niya sa iyo, eh tbh.

Nick:
Alam mo, kung ako sa kanya. Hindi na kita iiwan at hindi ako magsasawa. Kasi ikaw lang ay sapat na at wala nang hihilingin pa. Hays, ang sarap mangarap.

Nick:
Actually, proud nga ako sa sarili ko kasi medyo nawala na 'yong sakit na nandito sa puso ko mula kina Emery at Dwanye. Pero 'yong galit at poot, nakatanim pa rin. Maghihintay na lang ako ng balang araw ay hihilom din iyon.

Nick:
Obrie, are you really okay?

Nick:
Tang*, nagtatanong pa ako, eh obvious naman na hindi.

Nick:
Gusto mo maka-move on agad? Bigyan kita ng Tip.

Nick:
1. Install your messenger and open it.

Nick:
2. Accept my friend request.

Nick:
3. Open 'yong message request.

Nick:
4. Find my name.

Nick:
5. That's it! Nasa tamang tao ka na.

Nick:
I will help you to move on. Haha. wink*

Nick:
Joke lang, ito talaga ang payo ko. Bilang naloko rin ng jowa.

Nick:
Huwag mo siyang isipin, instead gawin mo lahat ng bagay na nakakapagpasaya sa iyo, sa pamamagitan na'n, unti-unti mo na siyang nakakalimutan. And as for me, ikaw 'yong kasiyahan ko dahil sa mga videos mo. Process kasi ang pag-mo-move on. Hindi puwedeng paggising mo, naka-move on ka na agad.

Nick:
Masarap sa feeling kapag alam mong nagiging okay ka na dahil pinili at ginusto mong maging. Wala ka dapat pagsisihan at palaging magpasalamat sa nakaraan dahil binigyan ka nito ng panandaliang kasiyahan, at least ang mahalaga, naramdaman mong magmahal sa isang maling tao. Dahil Alam mo na kung anong gagawin mo kapag nahulog ka na sa tamang tao para sa iyo. Siguro kaya tayo nahuhulog sa maling tao kasi binibigyan lang tayo nito ng aral para sa tamang tao.

Nick:
Aminado ako sa sarili ko na hindi pa ako okay at wala pa ako sa kalahati no'n. Pero proud pa rin ako sa sarili ko kasi unti-unti ako bumabangon. It really takes time sabi nga ng iba, napatunayan kong tama nga. Acceptance is the key, Obrie, keep going and you are at the right direction of happiness, not only for yourself but also for your supporters.

Nick:
Don't be afraid to lose people. Be afraid of losing yourself just to please people. Accept the fact na hindi talaga siya para sa iyo, malay mo ako talaga. Hahaha.

Nick:
Cheer up, Obrie! Makaka-move on ka rin. Nandito lang ako bilang tagasuporta mo, na kahit ni minsan hindi pa pinapansin.

Nick:
Hindi ko nga alam kung bakit patuloy pa rin ako nag-chachat sa iyo, ewan ko ba. May nakikita akong kakaiba sa iyo na gustong-gusto ko.

Nick:
Kain lang ako, kain ka na rin. Bye. :)

pinalalim: this is not how it should beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon