[112]

363 21 15
                                    

#112

6:38 PM

Slaine:
Nick, papunta na ako. :)))

Slaine:
See you later.

6:57 PM

Slaine:
Nandito na ako. Asaan ka na?

Slaine:
Hintayin kita.

7:13 PM

Slaine:
Nick?

Slaine:
May ginagawa ka ba? Sige, hintayin kita. Tapusin mo muna iyan ginagawa mo bago ka pumunta rito. Willing to wait naman ako sa iyo.

7:19 PM

Slaine:
Hey?

Slaine:
Huy

Slaine:
Oy

Slaine:
Asaan ka na?

7:35 PM

Slaine:
Nick? Pupunta ka ba?

Slaine:
Pero sabi mo naman kahapon, pupunta ka.Hindi muna ako uuwi, kasi baka bigla kang sumulpot.

7:49 PM

Slaine:
Nick? :(

8:02 PM

Slaine:
Nilalamok na ako rito. Wala nang masyadong tao. Asaan ka na ba? Malapit ka na ba?

Slaine:
Please, tumugon ka naman, oh. Para malaman ko kung pupunta ka ba o hindi. Ayaw kong umasa.

8:16 PM

Slaine:
Wala nang tao. Nick, natatakot ako.

Slaine:
Nakalimutan mo na ba ako?

8:47 PM

Slaine:
Hindi ka na yata pupunta. Nakalimutan mo na siguro ako. Sige, uuwi na ako.

Slaine:
Ayos lang ako.

9:12 PM

Slaine:
Nakakatakot umuwi. Ang dilim ng paligid. Ang lamig. Nakapalda lang ako at t-shirt. Mukhang delikado. Wala nang masyadong tao akong nakakasalubong. Kinakabahan ako.

Slaine:
Wala akong masakyan pauwi dahil gabi na. Kaya naglalakad na lang ako ngayon.

9:19 PM

Slaine:
Tsjmatabo aki , Nugk. Hinshsbol ajo ng aso. Tulongggggg!

Slaine:
Naiiyak na ako sa kaba. Nick!!!!

Slaine:
Pero ang mahalaga. Okay lang ako. Okay lang talaga ako.

pinalalim: this is not how it should beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon