[147]

336 21 2
                                    

#147

8:16 PM

Obrie:
One week has been passed nang sinabihan mo akong huwag na kitang i-chat. Hindi naman ako slow para hindi malaman 'yong reason mo behind of it. I know that Mark warned you to stop chatting me and dahil mabait ka, you followed him. Naiintindihan ko naman.

Obrie:
Nick. Wala na kami.

Obrie:
We broke up bacause I just realized something about, I'm not happy to be with him anymore. Then, akala ko noon, mahal ko pa siya pero suddenly, hindi na pala. I don't know why and how. Basta, tila kinain na ng tiwala ko 'yong pagmamahal ko para sa kanya. Tuwing kasama ko siya, hindi ko maiwasang maisip 'yong masasakit na salitang sinabi niya sa akin noon. Masaya naman ako kapag kasama siya kaso unti-unting nawawala.

Nick:
Bakit mo iyan sinasabi sa akin ngayon?

Obrie:
Kasi naalala ko 'yong sinabi mo noon na "I'm here" kaya sinusubukan kong baka makinig ka sa akin.

Nick:
Okay.

Nick:
Hindi ba parang unfair 'yong ginawa mo kay Mark? Nakipag-break ka kasi hindi ka na masaya. Ang babaw ng dahilan mo, Obrie.

Obrie:
Kaysa naman ipilit ko, 'di ba? Saka, sinabi mo sa akin noon na dapat hindi ko na siya binalikan? Ayan, nakipaghiwalay ako kasi naniwala ako sa iyo. Marami akong na-realized dahil sa iyo pero bakit ngayon, iyan ang sinasabi mo sa akin?

Nick:
May tanong ako.

Obrie:
Ano iyon?

Obrie:
Kinakabahan ako sa mga tanong mo dahil sa mga cold mong replies.

Nick:
Gusto mo na ba ako?

Obrie:
Hoy! Ang assuming mo. Bakit kailangan mong itanong iyan sa akin ngayon?

Nick:
Just answer my question honestly.

Obrie:
Yes? Siguro. Ewan? Nick naman, eh.

Nick:
Okay. Now I got it.

Obrie:
Why? Ganyan lang reaction mo? Hindi ka na katulad ng dati.

Nick:
Kung ayaw mo na talaga kay Mark, dapat sinabi mo na lang, 'di ba? Kung may gusto ka nang iba, dapat inamin mo na lang iyon sa kanya. Kung ako 'yong dahilan, dapat ako na lang ginawa mong rason. Kung hindi mo na siya mahal, dapat sinabi mo 'yong totoong may iba ka na.

Nick:
Hindi 'yong hahanap ka ng mali mula sa kaniya, isusumbat at ipagdidiinan mo iyon hanggang maisip niyang siya nga itong may mali at may kulang. Hindi mo ba naisip na baka kamuhian niya 'yong sarili niya? Mali 'yong ginawa mo, Obrie. Sobrang mali. Iniisip ni Mark na hindi ka niya deserve kasi nasaktan ka niya ng isang beses. In fact, dahil iyon sa akin.

Nick:
Kung siya, sinaktan ka niya dahil sa sinabihan ka niya ng 'pokpok'. Ikaw naman itong manloloko. Hindi mo siya deserve kasi kung sino pa 'yong nagmamahal nang todo sa iyo ay binalewala mo lang. Hindi mo siya binigyan ng pagkakataon para baguhin niya 'yong mali niya kasi, sa akin mo ibinibigay iyan atensyion at oras mo.

Nick:
Dapat pala, hindi mo na lang ako nakilala. Dapat pala, hindi na lang kita kinulit sa chat noon. Putek. Ako pa ang naging rason ng paghihiwalayan niyo.

seen

pinalalim: this is not how it should beحيث تعيش القصص. اكتشف الآن