[31]

503 40 2
                                    

#31

Obrie Smith
May 06 at 1:00 AM • 🌎

     Nais kong tumulong sa Lalaki.
     Nasisira ang reputasiyon niya.
     Nawawasak ang pagkatao niya.
     Pumunta akong Parke.
     Sa wakas.
     Nakita ko siya.
     Nasa swing siya.
     Pinapanood ang mga batang       
     naglalaro.
     Pero wari ko'y tulala lang talaga siya.
     Wala sa sarili.
     Wala sa wisyo.
     Lalapit na sana ako.
     Ngunit hindi ko magawa.
     Gusto ko siyang tulungan.
     Gusto kong itama ang isyung   
     kumakalat.
     Isipin man nila na pakialamera ako.
     Pero gusto kong ipagtanggol si 
     Lalaki.
     Naaawa ako sa kanya.
     Hindi niya magawang lumaban.
     Dahil biktima lang din siya ng maling
     pag-unawa ng mga tao.
     Dahil lalabas pa rin siyang mali.
     Naiitindihan ko siya.
     Pero heto ako, nagiging kamay niya.
     Itinatama ang maling kumakalat.
     Tumayo siya.
     Huminga nang malalim.
     Naglakad palayo.
     Sinundan ko.
     Kating-kati na akong makausap siya.
     Ngunit hindi ko siya naabutan.
     Nawala na agad siya sa paningin ko.
     Sayang.

689 Likes | 872 Comments | 209 Shares

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now