[06]

795 77 7
                                    

#06

9:00 PM

Nick:
DALAWANG ARAW NA ANG LUMIPAS. HINDI KA PA RIN BA NAG-REREPLY?????BUHAY KA PA BA?????? O PATAY NA??????

Nick:
Magsisindi na ba ako ng kandila? Saan ka nakalibing? Pupuntahan kita! Susmaryosep. Chat ka naman diyan, oh. Please??

Nick:
Na-offend ba kita? Surri!!!

Nick:
Ngayon lang ako nakapag-chat ulit sa iyo. Sorry ulit. Hehe.

Nick:
Gumala kasi kami ng mga tropa peeps ko kahapon at ngayon. Kaya medyo pagod ako ngayon. Haha.

Nick:
Actually, ikinuwento nga kita sa kanila at ipinakita ang mga picture mo. Ang ganda mo nga raw pero alam mo ba kung ano pa natanggap ko mula sa kanila?

Nick:
Obrie: Ano?

Nick:
Binatukan nila ako isa-isa.
Ang bob* ko raw kasi imbes na suyuin ko ang Girlfriend ko ay inuuna kitang i-chat.

Nick:
Tinawanan ko lang sila at alam mo kung anong sinabi ko sa kanila?

Nick:
Obrie: Ano?

Nick:
Hayaan umalis 'yong taong gustong umalis. Huwag pigilan. Kasi kung talagang mahal niya ako, kahit iwan man niya ako ay babalik pa rin siya sa akin. Kung sino ang unang nang-iwan, siya dapat ang unang umaksyon. Buong-puso ko pa rin naman siya tatanggapin, eh, kasi mahal ko pa.

Nick:
Pero sabi ng mga tropa ko. Babae pa rin daw si Emery dapat intindihin at suyuin para bumalik. Emery 'yong pangalan ng Girlfriend ko, btw.

Nick:
At ang sabi ko, punyeta. Gender na ba ang basihan kung sino ang unang mangsususo? Iintindi? Uunawa?

Nick:
Typo pala. Mangsususo*

Nick:
Hala, typo pa rin. Mangsusuyo*

Nick:
Ayan, back to the topic.

Nick:
Natameme ang mga barkada ko dahil sa sinabi ko. Pero 'yong isa kong kaibigan na babae ay sumabat; mabilis lang daw bumigay ang mga babae through chocolates or flowers. Kahit harana. Kaya dapat, suyuin ko na agad si Emery.

Nick:
Umiling ako at sinabing; hindi lahat ng babae nadadaan sa ganoon. 'Di ba, ikaw? Ganoon ka ba?

Nick:
Saka sabi ko nga, ayaw kong suyuin si Emery tapos isasabat naman iyon ng kaibigan ko sa akin.

Nick:
Alam mo? Kahit pala salitang 'cool off' mabigat pa rin pala sa dibdib, 'no?

Nick:
Sa kanya ko una pinaramdam 'yong pagmamahal ko, pero siya rin pala 'yong una na ipaparamdam sa akin 'yong sakit.

Nick:
One week na 'yong nakalipas no'ng iwan niya ako at hanggang ngayon ay wala pa rin nagsususuan sa amin. Even somehow, sinabi niya rin naman sa akin na after ng entrance exam, saka kami bumalik sa isa't isa para wala nang maging sagabal. Kaya sa ngayon, pataasan muna kami ng pride. Wala munang pansinan, kumbaga. Kaya ikaw muna ang pag-ti-tripan kong kulitin ngayon. Hahaha.

Nick:
Nagsusuyuan* ano ba iyan??? Typo is real.

Nick:
Magkaiba 'yong pride namin. 'Yong kanya ay piniprito pero 'yong akin naman ay sabon.

Nick:
Corny?

Nick:
Okay. Alam ko naman, eh.

Nick:
Back to reality.

Nick:
Kailan ka mag-rereply sa akin? *pout

Nick:
Inip na ako kasi kahit inbox, wala rin. Hehe.

Nick:
Sana bukas ay makapag-upload ka ng video. Asahan mong tatadtadin ko iyan ng comment ko para mapansin mo lang ako. Kahit hindi na rito sa chat at least, ma-replyan mo ako ng 'hello'.

Nick:
Good Evening! Tutulog na ako.

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now