[150]

345 20 0
                                    

#150

BarkaDalogs Group

6:10 PM

Tonyo:
Bukas ay 40 days nang wala si Slaine. Dalawin naman natin siya, mga tol?

Hence:
Game!

Ken:
Hindi ako puwede, may lagnat ako.

Jin:
Ang corny mo, p're. Sumama ka na! Minsan lang natin dalawin si Slaine, eh.

Ace:
Sama ako, kahit pabalik-pabalik na ako dumadalaw sa kanya.

John:
Pabalik-balik? Mabuti ka pa, kami bukas pa lang dadalaw sa kanya, eh.

Ace:
Oo, eh. Haha.

Nick:
Dapat na talaga tayong dumalaw sa kanya kasi first day of school na sa isang araw. Mga college na tayo, mga ulol! Umayos na kayo! Tapos na ang 4 months na bakasyon natin. Ang bilis.

Tonyo:
Kaya nga, ang bilis.

Jin:
Mga college na pala tayo, ano? Paano nangyari iyon? Himala.

John:
Gag*. Palibhasa hindi niyo sineseryo mga pag-aaral niyo.

Jin:
Sineseryoso naman namin pero sa pangongopiya nga lang. Hehe.

Ken:
Gag*

Nick Lopez added Dwayne Ocampo to the group.

Ace:
Ba't mo in-add si Dwanye?

Jin:
Gag*?

Ken:
Kaaway natin iyang ungas na iyan, ah? Akala ko ba, galit ka sa kanya?

Nick:
Ayos na kami. Mabilis lang naman ako magpatawad kaya patawarin niyo na rin siya.

John:
Gag*, pagkatapos niya tayong iwan na barkada niya, ngayon babalik siya?

Dwanye:
Sorry, mga p're. Matagal ko nang gustong bumalik sa barkada natin ulit kaso hindi ko alam kung tatanggapin niyo pa ako. Natauhan kasi ako isang beses na kayo talaga 'yong mga tunay kong kaibigan.

Jin:
Nagduda naman ako sa huling sentence mong sinabi. Hehe. Sana totoo.

Tonyo:
Pare. Sana totoo iyan sinasabi mo. Tatanggapin ka pa rin naman namin, eh. Pero sana huwag ka na ulit lalayo sa amin.

Ace:
Dwayne, hindi kasi porket nakahanap ka ng ibang barkada mo, iiwan mo na agad kami. At babaguhin mo na rin 'yong sarili mo. Hindi porke't luma at una mo kaming nakilala ay aalis ka na kasi meron ka na ulit bagong mga kaibigan. Nadadagdagan lang mga kaibigan mo pero wala kang iiwanan.

Ken:
Tama, lalo na ngayon. Mga college na tayo next school year, siguradong magkakaroon ulit tayo ng new set of friends. Pero sana, mga utol. Huwag niyo pa rin kalimutan ang BarkaDalogs! Maiintindihan ko naman na makakahanap na kayo ng bagong kaibigan pero pahalagahan niyo pa rin 'yong pagkakaibigan natin.

Jin:
Ang drama ni Ken.

Ken:
Gag*! Seryoso ako. Buwiset 'to, oh!

Dwayne:
Sorry talaga sa lahat ng nagawa ko.

Ace:
Okay lang. Kung napatawad ka na naman ni Nick, papatawarin ka na rin namin.

John:
Basta, walang aalis sa grupo natin. Para kay Slaine, bawal tayong magwatak-watak, ha. Tuldukan na natin ito, hindi mawawasak ang BarkaDalogs.

Ace:
Yes, para kay Slaine.

Nick:
Ang suwerte ko naman sa tropa ko. Maunawaiin. Haha.

Ken:
Aba, dapat lang p're.

Jin:
Bola.

Tonyo:
Dwayne? Dadalaw kami sa puntod ni Slaine. Do you want to join us, too?

Dwayne:
Oo naman! Sayang nga kasi hindi ko na siya nakita ulit, eh.

Ken:
Basta, ako hindi ako sasama. May lagnat ako.

Jin:
E di, huwag. Gusto mo lang pilitin ka, eh. Ungas ka!

Ken:
Gag*. Nilalagnat nga ako. Legit.

John:
Ang drama natin ngayon. Hahaha. Mga kalalaki niyong tao, ang drama niyo.

Ace:
Eh, ano ngayon? 'Pag pagkakaibigan ang usapan, sineseryoso dapat.

Ace:
Kumpleto na ulit tayo, mga p're. Puwera lang kay Slaine. Hays, miss ko na siya.

Tonyo:
Kung nandito pa iyon, siguradong masaya rin 'yon ngayon..

Ken:
Yeah. :(

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now