[113]

339 19 0
                                    

#113

6:27 PM

Slaine:
Ace, kinakabahan ako mamaya. Huhuhu. Sana masabi ko na nang diretso.

Ace:
Kaya mo iyan!

Slaine:
Sana.

7:25 PM

Ace:
Ano na'ng nangyari?

Slaine:
Wala, eh.

Slaine:
Hindi pa siya nadating.

Ace:
Totoo?

Ace:
Asaan na kayo 'yong Mokong na iyon?

Slaine:
Ewan. Pero hihintayin ko pa rin siya. Alam kong dadating din iyon mamaya. Siguro, may ginagawa lang na importanteng bagay.

7:54 PM

Slaine:
Ace, ang tagal niya. Wala pa rin siya.

Ace:
One hour ka nang naghihintay, ah. Umuwi ka na. Delikado. Gabi pa naman.

Ace:
Umuwi ka na lang, please.

Slaine:
Ayaw ko. Baka bigla lang siyang dumating.

Ace:
Ang kulit mo. Bahala ka.

8:36 PM

Ace:
Dumating na siya?

Slaine:
Hindi pa rin :(

Slaine:
Kinakabahan ako, ako na lang 'yong tao rito sa park.

Ace:
Ang gag* ni Nick. Baka nakalimutan ka na niya. Pinapaasa ka lang niya.

Ace:
Pupuntahan kita! Hintayin mo ako.

Slaine:
Huwag na. Uuwi na rin ako maya-maya.

Ace:
Ngayon ka na umuwi. Sayang 'yong oras mo kakahintay sa wala, oh. Slaine, please, umuwi ka na.

Slaine:
Kapag malapit na mag-9, uuwi na talaga ako.

Slaine:
Naiiyak ako. Pakiramdam ko, hindi talaga ako mahalaga sa kanya para hindi niya ako puntahan.

Slaine:
Na parang okay lang sa kanya na kalimutan na niya ako.

Slaine:
Dapat kasi, sinabihan niya ako kung pupunta ba siya o hindi para hindi ako nag-aksaya ng oras. At hindi ako umaasa.

Ace:
Babatukan ko iyon kapag nakita ko iyon! Umuwi ka na.

9:10 PM

Slaine:
Wala na akong masakyan pauwi, Ace. Naglalakad na lang ako ngayon. Nakakatakot dito. Tumatayo balahibo ko. Wala pa naman ilaw ng poste rito sa nilalakaran ko.

Ace:
Iyan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Asaan ka???? Pupuntahan kita!!

Slaine:
Huwag na, kaunting lakarin na lang ay malapit na akong makauwi.

Ace:
Ingat ka. Pinag-aalala mo ako.

9:21 PM

Slaine:
Hinahabol ako ng asoooooo! Halaaaa

Ace:
Ha? Matatawa ba ako d'yan o mag-aalala?

Ace:
Aso lang iyan. Hahahaha. Hindi ka mamamatay d'yan.

Slaine:
Tulinggg! Naiiyal ns ajo, ayww nya akong tantanan.

Slaine:
Malasss!

Ace:
Kaya mo iyan. Mapapabilis pag-uwi mo nan sa bahay niyo dahil sa pagtakbo mo. Hahaha. Balitaan mo ako kapag nakauwi ka na, ha? 

9:30 PM

Ace:
Nakauwi ka na?

Ace:
Asaan ka na?

Ace:
Slaine?

Ace:
Mag-reply ka naman, oh.

Ace:
Siguro, nakauwi ka na at nag-charge ng phone kaya hindi ka nag-rereply.

Ace:
Sige, mamaya na lang.

9:47 PM

Ace:
Good Night :)

pinalalim: this is not how it should beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon