[40]

564 48 11
                                    

#40

3:24 PM

Nick:
Ibig sabihin, tama nga 'yong hinala ko noon na ikaw 'yong nagbigay ng panyo sa akin? No'ng nakita ko 'yong post mo noon, may kutob na talaga ako pero hindi ko sinabi sa iyo kasi akala ko imposible iyon.

Nick:
Hindi ako mapaniwala. Parang hindi kasi malakatotohanan itong nangyayari.

Nick:
Ipinagtatanggol mo ako sa Internet kahit hindi mo talaga ako lubos na kilala. Ang bait mo. :))))))))

Nick:
I'm glad. Super glad, Obrie. Nakasabay pala kita sa Jeep. Preoccupied nga 'yong isip ko that time kaya tulala lang ako sa labas ng bintana. Kamuntikan pa ngang lumagpas 'yong jeep sa pupuntahan ko, eh. Haha.

Nick:
Then, no'ng nakita mo ako sa Park habang nakasakay sa swing. Tulala nga talaga ako no'n. Iniisip ko, sana bata na lang tayo palagi para malaya tayong maging masaya, walang problema na iisipin. Gusto kong bumalik sa pagkabata.

Nick:
Obrie, all I could say is Thank you for telling them the truth behind the viral video. Maraming naniwala at nagtiwala sa pahayag mo. Salamat sa malasakit. Salamat din sa pagtulong. Ginamit mo 'yong pagiging Influencer mo para lang matulungan ako. Unti-unti mong naibabalik 'yong perception ng mga tao tungkol sa akin, na talaga akong kasamang tao katulad ng inaakala nila sa akin..

Nick:
tbh, mas nadagdagan 'yong inis ko kina Emery at Dwanye kasi tama ka nga, wala silang ginawa no'ng lumulubog na ako. Kahit maliit na askyon, wala. Nadismaya ako para doon.

Nick:
Obrie, kung nanaginip man ako. Ayaw ko nang magising. Kasi ikaw 'yong nagmistulang anghel sa buhay ko. Nanghihina na ako no'ng mga nagdaang araw, eh. Thank for the light that you bring out again.

Nick:
Hays, ang sarap isipin na 'yong crush/idol ko, unti-unti nang napapalapit sa akin. Hindi ko inakalang poprotektahan pa ako. :)))) I'm lucky, you know?

Nick:
Sana makita na kita para harap-harapan akong magpasalamat. :)

Nick:
Sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi ko ma-explain itong nararamdaman ko pero alam kung punong-puno ito ng galak at ligaya.

Nick:
Thank youuuuu! Mas lalo akong nahuhulog sa iyo, eh. Hahahaha. Naks naman!!!!

seen

Obrie is typing...

Obrie:
O.

Obrie:
M.

Obrie:
G.

Obrie:
O.M.G.??

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now