[67]

400 34 1
                                    

#67

3:09 PM

Nick:
Slaine! Tulong!

Slaine:
Sige, ano iyon?

Nick:
Gusto ko na makausap si Emery. Anong sasabihin ko?

Slaine:
Malay ko sa iyo. Bakit ako tinatanong mo? Ikaw may gusto niyan.

Slaine:
Saglit? Makikipagbalikan ka na?

Nick:
Hindi, ah.

Nick:
Gusto ko lang magkaroon ng totoong closure sa aming dalawa.

Slaine:
Ayun naman pala, eh. Sabihin mo sa kanya lahat ng nais mong sabihin. Sabihin mong hindi mo na siya mahal at napatawad mo na siya. Closure, 'di ba? Magpasalamat ka sa maikling panahon na napasaya ka niya at kung ano man ang sasabihin niya sa iyo lagi mong pagilan 'yan sarili mo na huwag magalit sa kanya.

Nick:
Good advice!

Nick:
Pero what if sabihin niya sa akin, mahal niya pa ako?

Slaine:
Ulol! Huwag kang umasa.

Nick:
What if nga, 'di ba?

Slaine:
E di, sabihin mo ngang hindi mo na siya mahal. Ang kulit, eh. Namumuti buhok ko sa iyo.

Nick:
Ayaw ko siyang masaktan.

Slaine:
Paano kayo magkakaroon ng closure kung ayaw mong masaktan siya? Besides, malabo na iyang sinasabi mo, hindi ka na no'n mahal. Halata naman sa kanya na si Dwanye na 'yong gusto niya.

Slaine:
Basta, ang mahalaga ay mapatawad mo na siya at nakapagpasalamat ka sa kanya.

Nick:
Noted!

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now