Final [Narration]

841 41 17
                                    

Final

Nick

I'm on my way to the local park, I hastied walk because I am almost 30 minutes late. Siguradong kanina pang naghihintay si Liza sa akin at siguradong inip na iyon. When I finally entered the Park, ihip ng hangin na nagmumula sa mga puno ang unang sumalubong sa aking balat. Na-miss ko itong pakiramdam. Nakakatuwa lang dahil hindi ako pumunta rito para lang magdrama o magpakalunod sa emosyon, katulad noon.

Agad kong hinanap si Liza sa kung saan at sandali lang, nakita ko rin naman siya agad na nakaupo sa isang bench. "Liza!" Lumingon siya sa akin at mahinhin na ngumiti, sinuklian ko rin iyon ng isang malawak na ngiti. Lumapit ako sa kanya.

"Hello," tipid niyang bati. Ibang-iba talaga siya kapag sa chat. Kaya nagdududa ako sa kanya minsan. "Finally, you arrived. 26 minutes late."

"Sorry, napahaba ang tulog ko kanina, eh." Umupo ako sa tabi niya.

"Ayos lang."

"Gala na tayo? Tara na?" pagyaya ko.

I was about to stood up but she gently pulled my arm to sit down again. "Nick, sandali."

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"I want to take this opportunity to apologize to you."

"Ha? For what?"

Humugot siya nang malalim na hininga bago muli magsalita. "Hindi ako ang dapat makakasama mo ngayon."

"Ha? Sino? I-direct to the point mo na. Hindi kita maintindihan."

"Hindi ako ang dapat magpaliwag nito sa 'yo pero gusto kong humingi ng sorry. Bye." Kumunot ang noo ko. Wala akong maintindihan. Kakarating ko lang, then, nagpapaalam na gad siyang umalis?

Agad siyang tumayo pero nagtanong ulit pa ako sa kanya. Bakit kailangan niya pa akong papuntahin dito at iiwan dinnaman? "Liza, akala ko ba, gagala tayo, gaya ng sabi mo?" nagtataka kong tanong. Sayang ang libre.

"Basta. Ba-bye na. Have fun!" Mas lalo akong naalarma nang mgsimula na itong maglakad paalis.

Have fun? Iiwan niya akong mag-isa rito, have fun? Paano iyon?

"Liza! Iiwan mo nga ako rito?" tawag ko pa sa kanya, lumingon lang siya sa akin at ngumiti nang maliit bago mabilis na tuluyang naglakad papalayo. "Tamo ito, niyaya ako rito tapos iiwanan pala ako. Tsk." Agad akong tumayo para umalis na rin. Nagsayang lang ako ng oras.

"N-Nick." Maglalakad na sana ako nang makarinig ako ng isang boses na nagmula sa kaliwang bahagi ko. Napuno ng gulat ang buong sistema ng katawan ko. It was quite familiar to me, boses ng isang babae. Kahit isang buwan na no'ng nagsimula akong hindi manood ng mga videos niya, tanda ko pa rin kung gaano kaganda ang boses niya.

Dahan-dahan akong humarap sa may kaliwa ko at hindi ako nagkakamali sa hinala ko. Una kong siyang nakitang nakangiti. Ngiti na alam kong may lamat ng kaba. "Hello?" pag-aalinlangan niya pang bati sa akin. Sandali akong natigilan bago maisipang maglakad papalayo. Unti-unti ko na naman naalala 'yong huling chat ko sa kanya. Iiwas ako, tama. Iyon dapat ang gawin ko ngayon. Kaso punyeta, nadadala ako sa ganda niya. Kung gaano siya kaganda sa mga litrato niya sa FB, wala pa rin kupas iyon ngayon. Kahit nandito na siya, gusto ko pa rin umiwas sa kanya. Hindi ako puwedeng magpaapekto roon.

"Nick, usap naman tayo. Please!" Nahuli niyang hawakan ang braso ko, hindi ko alam pero meron akong naramdaman na kakaiba para tumigil at humarap sa kanya. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko inaakalang magkikita kami ngayon kaya hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. "Sandali lang! Limang minuto lang. Usap lang tayo. Pakiusap."

"Ano ang pag-uusapan natin?"

"Tayo," sagot niya. "Actually, Nick. Nais kong humingi ng tawad kasi aaminin ko, ako 'yong gumagamit ng account ni Liza para makausap ka."

pinalalim: this is not how it should beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon