[10] [Narration]

689 64 9
                                    

#10

Huminga ako nang malalim at agad mabilis na maglakad patungo sa direksyon ng dalawa. Agad kong dinambahan nang mahigpit na pagkakahawak sa kaliwang braso si Emery at marahas siyang hinila mula sa pagkakadikit na labi nito kay Dwanye. Bastos na kung bastos ang ginawa ko pero mas bastos ang ginagawa nila para sa akin. Napapitlag si Emery, kunot-noo itong lumingon sa akin ngunit agad din iyon napalitan ng pagkagulat. Malamig ko siyang tinitigan.

Parang tinutusok ng karayom ang puso ko dahil sa nakikita ko. Bakas sa mga mata niya na parang hindi na niya ako mahal. Wala na 'yong ningning at saya na nangingibabaw rito kapag ako ang nakikita niya. Puno ito ng takot at pangamba.

"Pare.." I didn't let Dwanye to speak, instead agad kong hinila si Emery sa kaniyang braso papunta sa kung saan, sa kung saang malayo kay Dwayne.

"Aray!"

Nagpupumiglas si Emery mula sa mahigpit kong pagkakahawak sa kanya habang hinihila ko siya ngunit hindi ko siya pinansin. Tila, hindi alintana sa akin kung masasaktan ko ba siya doon. Marami na ring mga tao ang nakakasalubong namin, halatang sa mga mukha nila na nag-aalala sila para kay Emery. Wala akong pakialam sa kanila, bagkus mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Aray! Let me go!"

Hindi ko siya pinapakinggan at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Nakarating kami sa isang lugar kung saan walang masyadong mga tao.

"Pare, bitawan mo nga si Emery!" May humawak sa balikat ko mula sa likuran ko, boses pa lang, I knew that it was Dwayne. Hindi ko alam na sinusundan pala kami ng loko. Napatigil ako sa paglalakad and eventually, niluwagan ko na rin ang pagkakahawak sa braso si Emery.

Pinilit kong hindi hayaang tumulo ang mga luha ko at nilakasan ang loob na humarap sa kanilang dalawa. Napalunok ako ng laway. Naabutan kong hinihimas-himas ni Emery ang braso niya, pansin kong pulang-pula na pala ito. Nakita ko ring agad lumapit si Dwanye sa kanya at mariin itong hinimas-himas din.

Ikinuyom ko ang kamao ko at marahas itinulak si Dwanye palayo sa Girlfriend ko. Hindi ko kayang makitang magkadikit silang dalawa dahil naaalala ko lang 'yong napakababoy nilang ginawa.

"Problema mo ba, pare?!" galit na sigaw niya sa akin. Napaismid ako.

"Tol, puwedeng umalis ka muna?" mahinahon kong tanong, I really want to stay myself calm. Habang sinusubukan kong huwag siyang pagbuhatan ng masasakit na salita at maiwasang saktan siya, huwag niya akong sagarin.

"Tol, hindi ko-"

"Tang*na, Pare! Umalis ka muna! Hayaang mong mag-usap kami ng Girlfriend ko!" Emphasized the word 'Girlfriend'. Tumingin muna ito kay Emery at tila nangungusap ang mga mata nito bago tuluyang maglakad papalayo.

(Play the song: Let Me Be The One By Keiko Necesario's Version)

Napahilamos ako ng mukha at dahan-dahang humarap kay Emery. Deresto lang itong nakatingin sa akin at halatang kinakabahan dahil sa nanginginig nitong katawan.

"Ganoon ba 'yong atensiyon na gusto mo? Hinahalakin sa publiko? Ayon ba 'yong pagmamahal na gusto mo mula sa akin?" mahinahon kong tanong ngunit may diin.

Hindi ito sumagot pero nakita kong may tumulong luha sa kaliwang mata niya.

"Emery, pinanghawakan ko 'yong pangako mo. You promised me, after I took an etrance exam, we will go back again to each other, right?! Pero bakit ito 'yong naabutan ko? Bakit ito 'yong iginanti mo sa akin?" I finally let out the tears from my eyes.

"Sinikap kong ligawan ka. Sinikap kong makuha 'yong 'oo' mo sa akin. Pagkatapos after two months, ganito na agad tayo? Mawawala na agad 'yong relasyon natin? Hinahalikan ka na agad ng tropa ko?! Mahal kita, alam kong alam mo iyon pero bakit napakalandi mo?! Mahal mo pa ba ako?"

Itinungo nito ang ulo niya at nagsimulang humagulgol.

"S-sorry."

"Ang saya-saya, Emery!" sarkastikong sabi. "Tropa ko pa 'yong ipinalit mo sa akin! Gaano na kayo katagal? Gaano na kayo katagal na niloloko ako?!"

"L-last month."

Napahawak ako sa buhok ko at hindi mapigilang sumigaw dahil sa galit. Wala naman masyadong tao kaya isisigaw ko na lang 'yong sakit at poot na nangingibabaw sa akin. Muli ako nagsalita, "Naks. Ang tagal na rin pala, 'no? Congrats sa isang buwan na pangloloko niyo sa akin!"

"Balak na naman talaga namin aminin sa iyo ito pero palagi ka na lang busy."

"Wow. So, are you blaming me for this sh*t you both did? Ako pa ang may kasalanan ngayon?! Ako pa?!"

"No," kunot-noo akong tumingin sa kanya at naghihintay sa sunod pa nitong sasabihin. "We're just too scared, inihahanda lang namin 'yong sarili namin sa kung anong puwedeng mangyari. Aside from that, natatakot kaming masaktan ka."

"Ganoon ba? E di, thank you for concern na ayaw niyo akong masaktan. I really appreciate it," I said with sarcastic tone. "Hindi ko na alam ang gagawin ko."

I was about to walk away when he pulled my arm. Hindi ko siya tiningnan at pinakinggan lang ang sinabi nito. "I'm sorry. Please, forgive me," humahangulgol nitong saad.

"I don't think if this is the right time to forgive you both. Ginamit niyo ako, eh. Pinagmukha niyo akong tang*. Niloko niyo ako." Niluwag na niya 'yong pagkakahawak sa akin at tuluyan na ako maglakad papalayo.

-

4:09 PM

Nick:
Hi.

Nick:
I'm officially single again. Hahaha. Nakakatuwa, 'no?

Nick:
Alone.

Nick:
Broken.

Nick:
Sad.

Nick:
That's me rn.

Nick:
Ganito pala 'yong pakiramdam na nasaktan, parang durog na durog ako.

Nick:
Obrie, huwag kang gagaya sa Girlfriend ko, ha? Mangloloko kasi. Nakakainis siya. Pinagpasahan kami ng tropa ko. Fvck?

Nick:
Huwag na huwag mong lolokohin 'yong boyfriend mo, katulad ng panloloko ng girlfriend ko sa akin. Malalagot ka sa akin. Haha.

pinalalim: this is not how it should beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon