[81]

391 30 0
                                    

#81

11:48 PM

Nick:
Naks! Nagkabalikan na kayo! Congrats!

Obrie:
Thank you but Nick, nangangamba pa rin ako. Did I choose the right decision?

Nick:
Bakit sa akin mo tinatanong iyan? Sarili mo lang ang makakasagot niyan, ah.

Obrie:
Sabagay. Alam mo 'yong feeling na napilitan lang akong bigyan siya ng second chance? I mean, sabi ko sa iyo noon na kapag nagpakita siya ng mga effort sa akin ay bibigyan ko pa siya ng second chance, hindi naman ako nabigo doon dahil ipinakita nga niya 'yon paulit-ulit kaya eventually, napapayag ako. But the problem is, I don't feel the happy inside of me anymore.

Nick:
What do you mean?

Obrie:
Takot pa rin 'yong nangunguna sa akin, eh. Takot pa rin akong sumugal sa kanya. Baka sabihan na naman niya ako ng masasakit na salita. Nakakangamba.

Nick:
Eh, bakit tinugon mo agad 'yong second chance na hinihingi niya sa iyo kung ganyan ka? Baka naman siguro normal lang iyan kasi bago pa lang ulit? Masasanay ka rin. Magtiwala ka lang sa kanya.

Obrie:
Wala akong nagawa. Pumunta siya sa bahay namin kanina, kasama 'yong mga magulang niya at dito sila kumain ng dinner. Humingi siya ng tawad sa akin pati na rin sa nga magulang ko. Ang hirap kasing tumanggi kay Mark no'ng humingin siya ng tawad at ng second chance sa akin kasi alam kong nandyan lang 'yong mga magulang ko at magulang niya, nakakahiya kapag tumanggi ako. No choice ako kaya napapayag ako. To be honest, I'm not ready yet.

Obrie:
Sana itong takot kong ito ay hindi talaga mag-lead sa iniisip ko na pangit na puwedeng mangyari.

Obrie:
Kasi tulad ng sabi ko sa iyo, hindi ko na siya bibigyan pa ng third chance kapag binigo niya pa ako.

Obrie:
Hays, sana makuha ko ulit 'yong kasiyahan na kasama siya at walang halong pangamba.

Nick:
Isipin mong chinachallenge lang kayo ni Tadhana kaya ganoon. Huwag kang matakot, alam kong nadala lang siya ng emosyon niya noon kaya nasabi niya iyon sa iyo.

Nick:
You are still in love with him, right? Swear, hindi ka na niya sasaktan pa kasi nagpursigido talaga siya para makuha 'yong second chance mo, 'di ba? Doon pa lang nagpapatunay iyon na mahal ka niya talaga.

Obrie:
Salamat, sana totoo iyan sinasabi mo.

Obrie:
Ikaw, kumusta na?

Nick:
Okay lang naman. Haha.

Obrie:
Ay, wait. Balita sa akin ng mga kaibigan ko next week na raw ilalabas ng website ng University 'yong mga list ng mga pumasa sa entrance exam. Sana makapasa tayo.

Nick:
Oo nga pala, 'no? Doon ka nga rin pala nag-took ng etrance exam.

Nick:
Kinakabahan ako!

Obrie:
Ako rin! Gud luck sa atin.

pinalalim: this is not how it should beDonde viven las historias. Descúbrelo ahora