[09] [Narration]

707 76 6
                                    

#09

4:05 AM

Nick:
Good Morning!

Nick:
Ang aga kong nagising, haha. Actually, hindi talaga ako makatulog, eh.

Nick:
Kasi, ngayong araw na ako pupuntang University at kukuha ng etrance exam. Huhuhu.

Nick:
Wala nang atrasan 'to.

Nick:
Kinakabahan ako, Obrie pero na-e-excite rin ako.

Nick:
Sana hindi masayang 'yong mga oras ko sa pag-rereview. Hays, hindi na ako mapakali dahil natatakot akong baka hindi ako makapasa. Hephep. Hindi dapat ganyan ang iniisip ko, I should always think positive, papasa ako doon. Laban!

Nick:
Dapat 'yong mind-set ko ay palaging nasa positive side.

Nick:
Naniniwala ako sa kakayahan ko, I can do this! Ito na 'yong pinakahihintay ko sa buong buhay ko, hindi ko ito aaksayahin pa.

Nick:
Obrie, hindi na ako matutulog, mag-rereview na lang ulit ako para maging sigurado na talaga ako mamaya.

Nick:
Mamaya na lang. Bye!

12:05 PM

Nick:
Obrieeeeeeee!

Nick:
Nasa mismong room na ako, five minutes na lang ay magsisimula na ang exam.

Nick:
Sobra-sobra-sobra na talaga ako kinakabahan. Jusko.

Nick:
Obrie, natatae na ako dahil sa kaba.

Nick:
Sabi ko, hindi pa ako nagsisimulang mag-exam kaya may chance ka pa para i-good luck ako, Obrie. Kapag nangyari iyon, siguradong sure pass na ako rito.

Nick:
Charot.

Nick:
Redandunt na pala 'yong 'sigurado' at 'sure'. Sowrey. Haha.

Nick:
Saglit, na-turn off ka ba sa akin sa pag-chat ko ng 'charot'?

Nick:
Hahahaha.

Nick:
2 minutes na lang pala, kinukuha na 'yong mga phone namin. Natatae na talaga ako sa kaba.

Nick:
Nauutot na ako.

Nick:
Bye! I'll just update you later after I get back my phone again.

Nick:
Good luck to me.

Nick:
Si Lord na ang bahala ngayon. Huehue.

-----

Nick

Pagkalabas ko ng University, nakahinga na ako nang maluwag dahil sa wakas, nalagpasan ko na rin 'yong isang hakbang para sa panagarap ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala na halos lahat ng ni-review ko ay nandoon, even though marami pa ring ibang item na hinulaan ko na lang talaga dahil hindi ko na alam at mukhang hindi ko nabasa sa mga reviewer ko.

Sa ngayon, hihintayin ko na lang 'yong resulta, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nalaman ko na 'yon, lalo na kapag nalaman kong hindi ako nakapasa. Magsisindi talaga ako ng kandali. Ang daming bagay ang sinakripisyo ko para doon, 'yong oras ko, 'yong kasiyahan ko at lalong-lalo na 'yong taong minamahal ko, Emery. Speaking of her, hindi ko siya nakita o nakasalubong manlang kanina sa loob ng campus. I don't know where she is but I guess, hindi siya kumuha ng exam dito. Nakakalungkot lang. Same course dapat kami at ang goal namin if ever na makapasa kami pareho ay magkaroon ng maraming schedule na magkaklase kami pero ngayon, it's fade away.

Bukas, aayusin ko na 'yong relasyon namin ni Emery. Kailangan ko nang pabaan 'yong pride ko.

Gusto ko munang ilibang ang sarili ko kaya naisipan kong mag-late lunch sa Mall. Pagkatapos kong kumain ay pumunta naman akong park, gusto kong lumnghap ng sariwang hangin. Umupo ako sa isang bench at sinimulang ginalaw 'yong phone ko.

3:46 PM

Nick:
I'm done!

Nick:
Hinihintay ko na lang 'yong result.

Nick:
Kapag ako nakapasa, mag-pa-party si Papa sa langit dahil 'yong anak niya ay natupad 'yong unang pangarap niya.

Nick:
Sayang lang dahil hindi niya ako nagawang suportahan. Pero ramdam kong nandyan lang siya sa tabi ko, ginagabayan ako.

Nick:
Kumusta ka na pala? Almost two weeks din kitang hindi na-ichat. Hehe.

Nick:
Saglit lang, bibili lang ako ng dirty ice cream. Pangpalamig.

I was about to walk towards to ice cream vendor but I sudden stopped when my eyes got frozen to the two person behind of it. Hindi ako makagalaw pero ramdam kong ikinukuyom ko na unti-unti ang mga kamao ko. Para akong bombang naghahanda na para sumabog.

Napalunok ako ng laway. Sinusubukan ko muna ang sarili ko na huminahon kahit alam kong may poot na sa loob ko. Paano ba naman, si Emery... 'Yong Girlfriend ko at si Dwayne... 'Yong Tropa ko ay malayang nagtatawanan sa isang bench. Ngayon ko lang nalaman na close pala sila sa isa't isa.

Lalapit na sana ko sa kanila para kausapin sila pareho upang malaman kung bakit sila magkasama ngunit nagulat ako at napalaglag ang panga nang makita kong itinama ni Dwayne ang labi niya sa Girlfriend ko. Sunod, napangiti si Emery at doon na silang nagsimulang... maghalikan. Tila, nadurog ang puso ko. Ang bababoy. Paano nila ako naloko? Paano nila ito nagawa sa akin? Totoo ba 'to? Mga hayop.

--------

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now