[153]

329 21 2
                                    

#153

8:11 PM

Emery:
Good Evening!

Emery:
Nakauwi ka na?

Nick:
Yep!

Nick:
Ano nga pala sasabihin mo?

Emery:
Ano..

Emery:
Kasi..

Emery:
Nick, ang tagal kong nag-ipon ng lakas ng loob para hilingin ulit ito sa 'yo. Alam kong ang kapal na ng mukha ko pero kailangan mo pa rin malaman itong nararamdaman ko sa iyo.

Emery:
Nick? Puwedeng balik tayo sa dati? Puwedeng ako na lang ulit? Puwedeng tayo na lang ulit? Puwedeng kalimutan na lang natin ang lahat ng sakit? Puwedeng mag-umpisa muli tayo sa simula? Please?

seen

Emery:
Nick, mahal pa rin kita. No'ng nagkaroon ako ng cancer, ikaw 'yong hinahanap ng sistema ng puso ko. Kakaiba ka kasi, Nick. Kahit nasaktan na kita noon, you are still there for me.

Nick:
Sino ginag* mo? Kung mahal mo talaga ako, una pa lang ay hindi mo na ako sasaktan, 'di ba? Kung mahal mo ako, hindi mo ako lolokohin. Kung mahal mo ako, maiitindihan mo ako noon pa lang. Nakipaghiwalay ka sa akin, Emery. Tapos, ngayon gusto mo pang bumalik sa akin?

Emery:
Alam kong naging immatured ako noon kaya nakahanap ako ng iba. Patawarin mo ako. But believe me, matagal ko na iyong pinagsisihan. Napagtanto kong hindi mo deserve na masaktan.

Nick:
Sa tingin mo, mapagkakatiwalaan pa kita? Emery, dalawang buwan pa lang tayo noon, ang bilis mo agad akong sukuan, then now, mag-chachat ka at sasabihing mahal mo pa rin ako? Huwag mo akong gawing tang*.

Emery:
Kahit kaunti, Nick? May natitira ka pa bang feelings para sa akin kahit kaunti? Mahal mo pa rin ba ako? Nick, ako na. Ako na ang bahalang magpunan no'n. Bigyan mo pa ako ng chance. Pakiusap.

Nick:
Emery, wasak na wasak ako noon. Hirap na hirap ako no'ng iniwan mo ako. Sa tingin mo, wala lang sa akin 'yong sakit noon?

Emery:
Naiintindihan kong mahirap para bigyan mo ako ng second chance pero pangako, papatunayan ko sa iyo na lalaban na ako sa relasyon natin, hindi na ako susuko. Gagawin kong matatag ang relasyon natin.

Nick:
Bakit ngayon ka lang lalaban? Sana no'ng tayo pa lang ay lumaban ka na sa relasyon natin. Huli ka na, Emery.

Nick
Sana maintindihan mo rin na hindi kita kayang bigyan ng pangalawang pagkakataon. Tama nang sinaktan mo ako noon. Mahal kita pero bilang
kaibigan na lang.

Emery:
Nick, please. Second chance lang. Please, balik ka na sa akin.

Nick:
I'm sorry, Emery. Natuto na 'ko.

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now