[90]

369 27 0
                                    

#90

9:25 PM

Obrie:
Tulala ka kanina.

Nick:
Ha? Nakita mo ako? Saan?

Obrie:
Nakasabay kita kanina sa Jeep. Tulala ka na naman. Kapag ba nakikita kita kailangan ay nakatulala ka palagi? Haha.

Nick:
Sorry na. Nanghihinayang pa rin kasi ako doon sa entrance exam. Iniisip ko kung paano kaya kung nakapasa ako? Hays. Hanggang pangarap na lang talaga ako.

Obrie:
Okay lang iyan.

Nick:
Hindi okay iyon.

Obrie:
Okay lang iyan kasi I know meron plan si God na mas better para sa iyo. Huwag kang panghinaan ng loob, magpatuloy ka lang.

Nick:
Sana nga.

Nick:
Saan ka papunta kanina?

Obrie:
Kay Mark.

Nick:
Bakit hindi mo ako tinawag? Nakakainis. Sayang! Nakita na dapat kita! Tss. Dapat tinabihan mo ako at pinansin. At least, mapapasaya mo ako doon. Susmaryosep.

Obrie:
Ayaw kong istorohin iyan malalim mong pag-iisip.

Nick:
Eh, kung ikaw naman 'yong mang-aabala sa akin, ayos na ayos lang iyon. Sayang talaga!

Obrie:
Sige. May next time pa naman.

Obrie:
Sana okay ka na, ha. Kung may maiitutulong man ako sa iyo, 'yon 'yong palakasin ang loob mo kahit sa simpleng paraan. Katulad ng tulong na ibinigay mo sa akin noon. :)

Nick:
Thank you!

pinalalim: this is not how it should beHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin