[158]

314 17 0
                                    

#158

9:06 PM

Nick:
Tita, kumusta na po si Emery?

Ecka:
Okay na naman. Pero kailangan pa rin namin mag-stay rito sa hospital. In case, na baka kung anong masamamg mangyari sa kanya. Sabi no'ng doktor, hindi raw nila alam 'yong dahilan kung bakit hindi makahinga si Emery kasi wala naman daw naging problema sa kundisyon niya. Pero sa palagay ko, dahil siguro iyon sa pag-iyak niya no'ng isang gabi.

Ecka:
Siya nga pala, pasabi sa Mama mo, bukas magbabayad na kami ng utang namin. Pupunta ako sa kanya.

Nick:
Sige po.

Ecka:
Salamat.

Ecka:
Utoy, anong last chat sa iyo ni Emery? May nasabi ba siya sa iyo? Hindi ko kasi alam kung bakit siya naiyak buong magdamag noong isang araw, eh.

Nick:
Tita, opo. May sinabi nga po siya sa akin.

Ecka:
Ano iyon? Let me know.

Nick:
Gusto niya pong makipagbalikan sa akin.

Ecka:
Ah. Then, ayaw mo? Umiyak si Emery dahil sa pagtanggi mo.

Nick:
Sorry po talaga, Tita. Siya po kasi 'yong unang nanakit sa akin, ayaw ko nang bumalik na lang sa kanya nang parang hindi niya ako nasaktan.

Ecka:
Naiintindihan ko, Nick. Huwag kang mag-alala. :)

Nick:
Hayssss. Salamat po.

Ecka:
Nick, kung hindi mo na talaga siya kayang bigyan pa ng pangalawang pagkakataon, siguro ngayon ay huwag ka na munang dumalaw rito, huwag ka munang magpakita sa kanya baka kasi umasa lang nang umasa 'yong anak ko sa iyo kahit wala na talaga. Hayaang mong kalimutan ka niya muna kahit papaano.

Ecka:
Ako na ang bahalang kumausap sa kanya kung sakaling hanapin ka niya manlang.

Nick:
Sige po. Sorry po talaga.

Ecka:
Okay lang.

pinalalim: this is not how it should beOù les histoires vivent. Découvrez maintenant