[166]

355 17 0
                                    

#166

6:27 PM

Nick:
Liza, tanungin mo nga ako kung ano ang ayaw ko sa isang tao.

Liza:
Saglit lang.

6:32 PM

Liza:
Bakit naman?

Nick:
Wala lang. Para madagdagan naman 'yong pagkakakilala mo sa akin, 'di ba?

Liza:
Eh, ano nga ba ang ayaw mo sa isang tao?

Nick:
Ayaw kong niloloko ako. Nadala na ako sa ex-girlfriend ko kaya kung sino man ulit 'yong darating na babae sa buhay ko, gusto kong iwasan 'yong mga manloloko.

Liza:
Okay?

Nick:
Kaya kung ikaw, kapag niloko mo ako, bahala ka na sa buhay mo.

Liza:
Bakit naman kita lolokohin? Anong iloloko ko sa iyo?

Nick:
Lolo mo. Lolokohin.

Liza:
Kaasar, nangbabara.

Nick:
Sabi ko sa iyo, KAPAG lolokohin mo nga ako, eh. Masyado kang defensive. Niloloko mo ako, ano?

Liza:
Ulol, saan naman kita lolokohin?

Nick:
Hahahahaha. Wala.

Nick:
Kumain ka na ba?

Liza:
Oo.

Nick:
Anong ulam mo?

Liza:
Itlog. Nakakainis nga, eh. Pang-gabi 'yong breakfast ko.

Nick:
Minsan, subukan mo rin 'yong itlog ko. Masarap.

Liza:
Yuck! Kailan ka pa naging ganyan? Kadiri ka.

Nick:
Hindi ko kasalanan na green minded iyan isip mo. Ipagluluto kita ng itlog kamo.

Liza:
Whatever!

Nick:
Tumae ka na ba?

Liza:
Kadiri ka talaga!

Liza:
Wala nang ma-itopic, ano? Hahahaha.

Nick:
HAHAHAHAHA.

pinalalim: this is not how it should beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon