[122] [Narration]

401 30 13
                                    

#122

(Play 'Scared to Death' by KZ Tandingan)

Nick

Puno ng kaba ang nangingibabaw sa akin ngayon as I walk towards to their house. Kahit nandito na ako sa harap ng bahay nila, dala-dala ko pa rin 'yong pag-aalinlangan ko kung tama bang pumunta pa ako rito. Hindi nga ito masamang panaginip kasi nakita ko 'yong tarpaulin sa bandang kanan ng gate nila na nakapaskil. Including her picture, name, birthdate and birth death. Parang dinudurog 'yong puso ko no'ng makita ko 'yong picture niya. Her genuine smile before, I remembered I am the one who took this picture of her. Dati nasa phone lang iyon, ngayon nasa tarpaulin na.

"Iho?" Napatingin ako sa may bandang kaliwa ko at nakita ko si Tita Misa. Tuluyan nang bumuhos 'yong luha sa mga mata ko as she hugged me.

"Sorry po talaga," I said sobbing. "Sorry po, sobrang sorry po." Walang tigil nang pagbanggit ng pasensiya mula sa aking bibig.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Umiiyak na rin pala ito. "Ang kulit mo talaga. Wala kang kasalanan, okay? Naiitindihan namin 'yong rason mo."

"Kinakain pa rin po ako ng konsensiya ko."

Ngumuti siya nang mapait. "Hayaan mo, lilipas din iyan. Pero ngayon, halina't hinihintay ka na ni Slaine."

Hinawakan niya ng kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Nakasalubong namin si Ace, mapait na ngiti ang ibinato nito sa akin. Ramdam ko pa rin 'yong galit niya dahil sa lamig ng tingin nito sa akin. Pero halatang pinipigilan niya. Sana maintindihan niya pa rin ako katulad ni Tita.

Nang makarating kami sa kabaong ni Slaine, tuwid lang akong nakatayo habang pinagmamasdan ang mala-rosas na mukha niya. Mariin akong napapikit, kasabay muli nang pagdaloy ng mga luha ko. Sumikip ang dibdib ko dahil hindi ko siya kayang makitang nakahiga na wala nang malay.

Tumalikod ako at bahagyang nagpunas ng mga luha gamit ang palad ko.

"May kukunin lang ako, iho," sabi ni Tita at umalis na. Tumango ako bilang tugon at humarap ulit kay Slaine.

"Ikaw ba talaga 'yan, Slaine? Hindi ka puwedeng umalis agad. Ayaw kong maniwala na ikaw iyan. Please, bumangon ka na d'yan, oh. Kakausapin mo pa ako, 'di ba? Mag-ba-bonding pa tayo. Sana tulog ka lang, tapos mamaya gigising ka na."

"Sorry, Slaine. Sorry for everything and thank you for everything. Dati, kinakausap lang kita pero ngayon pinaglalamayan ka na. Dati, tumatawa lang tayo pero ngayon wala ka nang malay. Slaine, siguro tapos na 'yong mission mo rito sa mundo. Pero gusto kong malaman mo, hindi ako nagsisisi na naging kaibigan kita. Thank you for being a good friend," humihikbi kong sabi. Walang tigil pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko and I found out that it was Ace. Namumula ang mga mata nito habang diretsong nakatingin kay Slaine.

"Alam mo, p're. Galit pa rin ako sa iyo pero sinusubukan kong pigilan kasi alam kong mas magagalit si Slaine sa akin. Tumahan ka na, p're. Ayaw rin niya na iniiyakan siya."

"How could I, Ace? Losing my bestfriend is more painful than heartbreak."

"Indeed." May tumulong isang patak sa kanan mata niya na mabilis niyang pinunasan.

"Sorry talaga, p're," sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin.

Saktong dumating muli si Tita Misa at kapansin-pansin ang hawak nito.

"Nick, ito 'yong scrapbook na palagi kong nakikitang ginagawa ni Slaine no'ng nabubuhay pa siya. Ayaw niyang ipakita sa amin ito pero no'ng nakita ko kanina, I found that this is for you."

pinalalim: this is not how it should beWhere stories live. Discover now