1

125K 2.8K 486
                                    

🚨WARNING!🚨
🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞

This chapter may contain content of an adult nature. If you are easily offended or are under the age of 18, please exit now. This chapter are intended for adults only and may include scenes of sexual content, suggestive pictures, or graphic violence. Reader discretion is advised.

If you feel uncomfortable, please do not report me immediately. You can message me privately about your troubles with my stories. Thank you!

Denisse Gonzales
-Flashback
8 years ago-

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong si Maricel. Kanina kasi habang papalabas ako mula sa 6pm class ko ay hinila nalang ako bigla-bigla ng amazonang 'to.

"Saan ba kasi tayo pupunta, Cel? Gusto ko ng umuwi." Maktol ko dito. Nasa sasakyan niya kasi kami kaya siya ang nagda-drive. Tumigil ang sinasakyan namin dahil naka-stop sign pa.

"Samahan mo kong magwalwal, Den. Broken hearted ako ngayon." May bakas ng lungkot at sakit ang boses niya kaya hindi nalang ako umalma.

Minsan lang rin naman siyang mag-ayang gumala. Tatawagan ko nalang si papa na matatagalan ako ng uwi. Kinuha ko ang cellphone na nasa bag ko at idenial ang numero ni papa.
Naka-isang ring pa lang iyon ng sagutin niya.

"Hello, papa?"

"Hello, nak? Tapos na klase niyo?" Tanong nito. Narinig ko rin ang pagkalampag ng sa tingin ko ay kawali o kaldero.

"Tapos na po, pa. Si Dad po?"

Isang gay couple ang mga magulang ko. May tatlo rin akong kapatid na nasa highschool, elementary at kinder. Ang bunso namin ay adopted nila papa pero mahal na mahal namin iyon at spoiled na spoiled.

"Nasa work pa, nak. Marami kasi siyang meeting ngayon dahil sa bagong project ng company. Ba't ka nga pala napatawag?"

"Pa, baka gabihin kasi ako mamaya. Broken hearted si Cel ayoko naman siyang iwan mag-isa. Pwede lang po ba?" Ang paaalam ko dito. Hindi naman mahigpit sa amin si papa pero ibang usapan na kapag si dad. Over protective kasi siya sa aming magkakapatid.

"Okay, pero dapat by 12 nakauwi ka na. Mag-ingat kayong dalawa ni Cel. Take care of yourselves, anak. Heto gusto kang makausap ni Dowan." Tukoy niya sa bunso kong kapatid. Kami kasi ang pinaka-close.

"Kuya! I finish my milk na po." Sabi nito sa kanyang maliit ba boses. Napangiti naman ako.

"Very good naman ng big boy namin. Bibilhan ka ni kuya tomorrow ng favorite mong donuts bilang prize. Okay ba 'yun?" Nakangiti kong sabi dito.

"Okay po, kuya. Babye po! Kuya Damon is here na. I'm gonna play with him."

"Babye, baby. Love you!" Pagkatapos kong magpaalam ay ako na ang pumatay ng tawag. Dumungaw ako sa labas ng sasakyan at nakita doon ang logo ng isa sa pinakasikat na bar dito. Monteamore.

Anong ginagawa namin dito?!

"Monteamore?! Maricel, jusko naman mapapatay tayo pareho ng parents natin." Hysterical na sabi ko sa kanya.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon