21

89.2K 2.7K 983
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

It's been more than week simula nang huli kaming pumunta ng mall. It's been more than a week na rin nang hindi ko na pinapansin si Jonas. Unang-una, I consumed too much energy just from keeping up with him. Napakalabo rin ng mga salita nito at hindi ko na alam kung paano 'yon iintindihin. I'm just doing this for my kids.

Wala naman sigurong mawawala— except our marriage— kung hindi ko siya papansinin. 'Gaya pa rin naman kami ng dati. Kagaya nga ba?

May kaunting pagbabago din naman sa relasyon niya sa mga anak namin. He's been more of a father these days. Tinotoo nga ni Jonas ang mga sinabi niyang babawi siya sa kanila. Akala ko hanggang pangako lang 'yon. He wakes them up with kisses every morning at minsan ay ito na ang nagpapaligo sa dalawa. Siya rin ang nagtuturo sa mga ito tuwing dadating na ang mga sasagutang exams mula sa dati nilang school.

Noong una ay ramdam kong naninibago rin ang dalawa sa pinapakita ni Jonas. Sa tingin ko nga ay pati si Jonas naninibago rin pero masaya ako na unti-unti na niyang naaayos ang relasyon nilang mag-ama. Dahil iyon naman talaga ang punto nitong set-up namin. Everything was for the kids, from our marriage to our divorce.

Pagkatapos kong maglinis ng kwarto ng kambal bumaba na para ipaghanda ng meryenda ang mga bata. Bitbit ko rin ang dalawang towel at pamalit. Sa lakas ng tili na narinig ko mula sa kwarto nila ay sigurado akong naliligo na ang dalawa sa pawis.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng water bottle mula sa ref. Kumuha rin ako ng mga cookies na binake ko kanina at inilagay sa isang bowl. Lumabas ako pagkatapos at tumungo sa mga batang masayang naglalaro. Dahil medyo maayos na ang mga sugat ng dalawa, mas naging malikot na sila kumpara sa dati. Nagtaka ako nang hindi ko makita si Jaiden sa mga batang naghahabulan sa may buhangin.

Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa makita ko ito di kalayuan. Nakaupo ito at nakamasid sa kanyang kapatid at mga batang naglalaro. Of course, he's looking at them with his infamous poker face. Itong batang 'to talaga, kahit kailan ay ang suplado.

Napataas ang kilay ko nang makitang hindi pala ito nag-iisa may katabi itong batang lalaki na nakangiting nagsasalita sa kanyang tabi. Base sa ekspresyon ng bata may tinatanong yata ito kay Jaiden pero mukhang wala namang plano ang anak ko na pansinin ito.

"Janisse! Magmeryenda muna kayo, nak." Tumigil sa pagtakbo si Janisse at lumingon sa akin. Napatawa ako sa ayos nito. Sobrang dungis ng mukha! Ngayon ko lang napabayaan ng ganito ang batang 'to.

Tumigil na rin sa pagtakbo ang ibang mga bata at lumapit sa akin. Nilingon ko si Jaiden at nakitang patungo na rin ito sa akin. Akala ko susunod ang batang kausap niya dito pero tumingin lang ito sa akin at ngumite.

"Kuya, bakit hindi mo inaya iyong kaibigan mo?" Tanong ko dito. Kumuha ako ng towel at pinunasan ang mukha at hubad na katawan ni Janisse.

"We're not friends." Ang sagot nito bago tinanggal ang kanyang damit at nagpunas ng katawan.

"Tito, tito! Cras po ni Rubie si Jaiden po!" Nabaling ang paningin ko sa batang nagsalita at tumawa. Aba, humahatak na ng mga babae 'tong anak ko eh hindi pa nga tuli. Tsk.

"Gwapo ba si Jaiden?" Tanong ko sa batang tinatawag nilang Rubie. Maliit ito at maganda, halatang may lahing kano dahil sa kulay ng balat at buhok. Nahihiyang yumuko ang bata at tumango. Nagtawanan naman ang mga bata. Naku, naku, itong mga batang ito oh-oh.

Nakangisi kong tiningnan si Jaiden na wala pa ring reaksyon ang mukha. Tapos na itong magpalit ng damit at kasalukuyang ngumunguya ng cookies.

"Kuya, gwapo ka daw at crush niya. Wala ka bang sasabihin?" Ang tukso ko dito. Tumingin siya sa akin—iyong klase ng tingin na nagtatanong kung nahihibang na ba ako.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon