36

70.7K 2.3K 648
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

"Nak, okay ka lang?" Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni papa.

Nandito ako sa likod ng aming bahay. Ito ang paborito kong tambayan tuwing tapos na ako sa mga gawain ko. Napapalibutan kasi ito ng mga malalaking kahoy at mga bulaklak.

"Pa," humalik ako sa pisnge niya bago ako umusog sa kaliwa ko para bigyan siya ng espasyo dito sa duyan. "Ang kambal po?"

"Nakikipaglaro sa kuya Chadwick mo." sagot niya nang maka-upo sa tabi ko.

Saglit kaming binalot ng katahimikan habang nakasandal ako sa kanyang balikat. Nakapulupot rin ang mga kamay ko sa kanyang bewang.

"Pa, kamusta si Dein? Hindi pa rin ba siya gumigising?" Ang mahina kong tanong habang nakatingin sa kawalan.

"Let's not lose hope, nak. Gigising din ang kapatid mo." Aniya.

My father is encouraging me not to lose hope pero alam kong siya ang pinaka-apektado sa lahat ng 'to. Palagi ko siyang nakikita gabi-gabi na umiiyak sa harap ng altar kung saan nakalagay ang mga abo ng kapatid ko. Magulang rin ako. It would kill me kapag nawala sa akin ang isa sa mga anak ko.

Sabi ni papa mag-iisang taon na raw na comatose si Dane. Inatake siya ng mga naka-itim na lalaki sa isang alley malapit sa company ni dad. May ilang tama ng bala ito sa katawan at napuruhan rin ang kanyang ulo dahil sa isang malakas na paghampas dito na nagresulta sa kanya sa pagkaka-comatose.

May espesyal na kwartong ipinagawa sila papa para dito. Ka-desenyo nito ang isang ICU sa hospital. They couldn't trust other people anymore. Wala kaming mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon. Everyone is our enemy. Kahit ang mismong mga kamag-anak namin.

"Pa, miss mo na ba si dad?" Ang malambing kong tanong dito.

Simula ng dumating kami dito sa bahay ni isang beses hindi nagpakita si dad. Sabi ni papa ayaw daw i-risk ni dad na masundan siya ng mga kalaban at matuntun kami.

"Of course. Your dad is a tough guy pero kailangan niya rin ng suporta but I couldn't do it. Ang kaligtasan ninyo ang prayoridad naming dalawa. Lalo na ngayon at buntis ka pa anak."

Hinawakan niya ang umbok sa aking tiyan at hinimas 'yon. Pareho kaminh natawa ng gumalaw sila sa loob. Tuwing sumisipa sila sa tiyan ko hindi ko maiwasang maisip si Jonas. Hindi ko maiwasang isipin kong ano ang magiging reaction niya kapag naramdaman ang pagsipa ng mga anak namin.

"Umiiyak na naman ang panganay ko." Tumingala ako sa papa ko at ngumuso. Hindi ko maiwasang mapahikbi.

"I miss Jonas, pa. Maaayos na namin yong pamilya namin dapat eh. Why did they have to do that to us? Ano ba talagang habol nila sa atin?" Ang umiiyak ko na namang tanong dito.

"Iyan rin ang tanong namin ng papa mo,nak. Hindi rin kami sigurado kung ano ang habol nila. Kung ang kompanya lang ang habol nila hindi dapat kayo nadadamay ng mga kapatid at pinsan mo. They should have come after your father at mga kapatid nito." Ang seryoso niyang sagot. He kissed my head lightly at niyakap ako. "I'm sorry kung nadadamay kayo sa gulong ito, anak."

"Pa, wala kayong kasalanan. You're just doing your job as a parent. And I'm sorry if I couldn't do much for us, pa."

Pitong buwan na ang lumipas pero hindi pa rin kami makahanap ng lead. Hindi namin maintindihan kung bakit inisa-isa kami. Kaming tatlo na lang ni Dane, kuya Chad at ako ang natitira the rest are dead. Nagtutulungan na sila dad at mga kapatid niya but we're still lost.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon